CORRECT LYRICS

Lyrics : Pag-ibig ’Di Lumisan (Pinulot Ka Lang Sa Lupa OST)

Pag minsan ay naaalala pa rin ang pait ng nakaraan
Sakit na pinagdaanan, inagaw ang oras
Ngunit tayo'y nandito ngayon
At bakit kahit anong gawin
Nakaraan ay paalala pa rin kung saan tayo galing

At sa tamang panahon, sugat natin maghihilom
'Di natin dapat malimutan kung saan lahat nagmula
Kahapon ma'y tapos na, ngunit 'di malilimutan
Dahil pag-ibig ay hindi lumisan

Ooohhh
Kay rami nang pinagdaanan
Mga pangarap ay hinaharang
Ngunit 'di rito nagtatapos
My bukas pang naghihintay
(At sa tamang panahon, sugat natin maghihilom)
Ooohhh

At sa tamang panahon, sugat natin maghihilom
'Di natin dapat malimutan kung saan lahat nagmula
Kahapon ma'y tapos na, ngunit 'di malilimutan
Dahil pag-ibig ay hindi lumisan