CORRECT LYRICS

Lyrics : Tangi Kong Hiling

Bakit lagi na lang nagtatanong?
Damdamin ko'y gulong-gulo
May pagkukulang na hindi mapuno
Hindi malaman kung saan sisilong
Ako'y urong-sulong dito't doon
Ang puso ko'y laging bigo

Kailan makikita? kailan madarama?
Ang tunay na pagmamahal ng iyong pag-sinta
Laging naghahanap, laging nangangarap
Sa bituing nagniningning matutupad
Ang tangi kong hiling

Sadyang mapagbiro ang tadhana
Bigla-bigla kang gugulatin
Saan-saan ka hihilahin
Hanggang kailan itong pagdurusa?
Lagi akong natutulala
Tangi kong hawak ang aking pag-asa

Kailan makikita, kailan madarama
Ang tunay na pagmamahal ng iyong pag-sinta
Laging naghahanap, laging nangangarap
Sa bituing nagniningning matutupad
Ang tangi kong hiling

Hahanapin ko ang kaharian mo
At makikita ang tunay kong anyo
Kasama mo, sapat na ito ohhh

Chorus:
Kailan makikita? kailan madarama?
Ang tunay na pagmamahal ng iyong pag-sinta
Laging naghahanap, laging nangangarap
Sa bituing nagniningning matutupad
Ang tangi kong hiling

Ang tangi kong hiling