CORRECT LYRICS

Lyrics : Aking Mundo

Dagat man ay naiiba
Sa lupa niyang mahiwaga
Ang nais ko, sana'y minsan pa
Makita siya't makasama pa
Tahakin ang kanyang mundo
Na hawak siya habang tumatakbo
Sa puso ko ay nadarama
Na sa piling niya bawat sandali'y malaya

Paano kaya'ng mabuhay?
Mundo niya kaya'y makulay?
Puso'y taglay ang tinding saya
Sa t'wing makikita siya

Dagat man ay naiiba
Sa lupa niyang mahiwaga
Ang nais ko, sana'y minsan pa
Makita siya't makasama pa
Tahakin ang kanyang mundo
Na hawak siya habang tumatakbo
Sa puso ko ay nadarama
Na sa piling niya bawat sandali'y malaya

Paano kaya'ng mabuhay?
Kung sa iyo'y mawalay?
Ikaw ang daigdig ng aking puso
Ikaw ang aking mundo

Dagat man ay naiiba
Sa lupa mong mahiwaga
Ang nais ko, sana'y minsan pa
Makita ka't makasama pa
Tahakin ang iyong mundo
Na hawak ka habang tumatakbo
Sa puso ko ay nadarama
Na sa piling mo bawat sandali'y malaya