CORRECT LYRICS

Lyrics : Sampaguita

O aking sinta
Pasensya ka na kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa
Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha
Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha
Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi
Kay dami ng taon ng kailangan kong mabawi
Nagdaang mga pasko, bagong taon at araw
Ng mga pusong di kita makuhang madalaw
At maabutan manlang ng paborito mong bulaklak
Pag kausap ka’y hindi ko mapigilang maiyak
Sa mundong di sigurado isa lamang ang tiyak
Mag-isa ka lang ng isinilang mong ating anak
Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan
Mga sana na mahirap ng bilangin kung ilan
Sa pagkain sa labas ay di kita masabayan
At sa paglubog ng araw di kita matabihan

Kung kahit saan man mapadpad
Sayo pa rin ako babalik giliw
Sa halimuyak ng ‘yong paboritong sampaguita
Sa halimuyak ng ‘yong

Anak kaarawan mo na ulit
Wag mong kalimutang suotin ang bago mong damit
Tandaan mo lagi kahit di tayo magkalapit
Naaalala ka ni tatay tuwing ako’y pumipikit
Patawarin mo ako anak kung hindi kita
Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola
O lumangoy sa batis na katulad ng iba
At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta
Magbutones ng uniporme mo sa unang araw
Ng pasok sa eskwela puso ko’y nag-uumapaw
Sa tuwa dahil ganyan-ganyan ako noon
Ngunit agad napapaluha pag ika’y nagtatanong
Kailan ka uuwi sakin ay binubulong
Sagot na bukas na anak ay palaging nakakulong
Sa pagkatbo’y madadapa minsan ay masasaktan
Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan