CORRECT LYRICS

Lyrics : Dapat Tama

Chorus:
Dahil sa dulo bawal ang kakamot kamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama!

Alam natin ang tama, 'bat di natin ginagawa?
Paulit-ulit nalang na ito ang bagong simula
Simula ng simula bakit walang natatapos?
Atras abante lagi, pudpod na swelas ng sapatos
Ilang beses nangako, ilang beses napako
'Bat di natin subukan at tulungan at umako
Bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan
Pag tayo'y nagsama-sama lahat ay malalampasan

May mas maayos na bukas para sating mga anak
Ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak
Na pangalan sa balota wag na tayong magpauto
Na satin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo
Nanggigigil mong itigil ang pag pagsisi sa sutil
Na nasa pwestong di kana kilala kapag siningil
Sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal
Kung di tayo kumbinsido wag na nating ihalal

Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
Sa katanungang harap-harapang iaabot
Sinong pinili? Pag ang tinta ay humalik sa daliring
Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
Dapat tama