CORRECT LYRICS

Lyrics : BAHAY NI GLOC-9

Kay sarap tumambay
Sa bahay ni Gloc-9
Timpla ng kape
Sawsawan mo ng tinapay
Tama na ang away, sayang lang ang laway
Tulong-tulong lamang dapat diyan tayo masanay

Huwag mong hayaan na sabihin nila sa 'yo kung ano ang mga hindi mo kayang gawin
Hayaan mo sila
Lahat tayo ay pwedeng mangarap dahil napakaraming bituin
'Di ka nila kilala
Walang makakahula kung ga'no kalakas ang kaya mong bunuin
Buhatin ang dala
Kahit may nakaharang ay laging aakyatin, gigibain, tatawirin

Basta may sipag at tiyaga nang may mapala
Hindi pwede yung ngawa ka lamang nang ngawa
Punas ng mukha kapag nadapa
Taas lang ang pupuntahan 'pag nasa baba

Sipag at tiyaga nang may mapala
Hindi pwede yung ngawa ka lamang nang ngawa
Punas ng mukha kapag nadapa
Taas lang ang pupuntahan 'pag nasa baba