CAPA/TRACKLIST

Letra : Di Mo Pansin

kailan ba makikita ang tadhana'y tayong dalawa?
kailan ba maririnig pintig ng puso ba'y para sa akin?

hindi mo ako masisisi
kung magbago man ang aking damdamin
hindi mo naman kasi ako pinapansin.

hindi mo ba ako makuhang suyuin?
o tuluyan na bang lalayo hanggang sa hindi ka na maramdaman
hindi mo ba ako manlang pipilitin?
na muling bumalik sa akin at tayo ay magsimulang muli.

ahahaha
ahahaha

bakit ba ‘di makita habang buhay na magsasama?
bakit ba nabi-bingi tinig ng damdamin kailan ba diringgin?

huwag mo akong sisisihin
kung lumayo man itong damdamin
hindi mo naman kasi ako pinapansin.

hindi mo ba ako makuhang suyuin?
o tuluyan na bang lalayo hanggang sa hindi ka na maramdaman
hindi mo ba ako manlang pipilitin?
na muling bumalik sa akin at tayo ay magsimulang muli.

ang daming tanong kung bakit nangyari sa akin ito?
ba't ‘di mo pansin ang pinaggagawa mo?
palaging ganun kahit nasasaktan na ako
masasanay rin naman siguro ako???

hindi mo ba ako makuhang suyuin?
o tuluyan na bang lalayo hanggang sa hindi ka na maramdaman
hindi mo ba ako manlang pipilitin?
na muling bumalik sa akin at tayo ay magsimulang muli.

ahahaha
ahahaha

‘di mo pansin... (4x)