CORRECT LYRICS

Lyrics : Pauwi Nako

Flip-D on the beat
Panty Droppaz League

Hey, miss na kita, baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na 'di ka na maghihintay at ('Di na)
Hindi ka na malulungkot malapit na 'ko

Baby, pauwi na 'ko, ako'y pauwi na
Baby, pauwi na 'ko, miss na miss na kita
Baby, pauwi na 'ko, ako'y uuwi na, hey
Hindi ka na malulungkot malapit na 'ko
Baby, pauwi na 'ko

Ayaw kong makita sa mga mata mo na nalulungkot ka
Kaya gumawa na ako ng paraan
Upang mapawi ang kalungkutan
Kesa naman lagi kang nagkakaganyan
Ayoko naman na ikaw ay masaktan
Ramdam ko ang pakiramdam ng nahihirapan
Kaya naman ayaw ko nang iparamdam sa'yo
Malapit na ako, konting oras na lang ay magsasama na tayo
Malapit na ako, dya-an sa tabi mo
Konting tiis na lang, mahal, mawawala na ang iyong lungkot
Sobrang saya na makakasama ka
Ng muli sa tagal nating hindi nagkita
Hinding-hindi na 'ko aalis sa tabi mo
Pangako 'di ka na mag-iisa, pauwi na 'ko
Miss na kita, baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na 'di ka na maghihintay at ('Di na)
Hindi ka na malulungkot malapit na 'ko

Baby, pauwi na 'ko, ako'y pauwi na
Baby, pauwi na 'ko, miss na miss na kita
Baby, pauwi na 'ko, ako'y uuwi na, hey
Hindi ka na malulungkot malapit na 'ko
Baby, pauwi na 'ko

Pauwi na 'ko, pwede ba 'wag ka na sa'kin magtampo?
Dala-dala ko na ang kailangan mo
Miss na kita, ano bang kasalanan ko?
Gusto na kita makita, 'wag ka na sa'kin magalit (Galit)
Kasi baka lalo kang pumangit (Pangit)
Pero kahit na magalit nang magalit
Sa'yo pa rin ako uuwi, 'di nila ako maaakit (Woo!)
Bakit ba palagi kang masungit sa'kin? (Sa'kin)
Baka pwede pang ayusin natin? (Natin)
Mga pagtatalo natin minsan ay hindi nakakasawang unawain
Mahal kita, alam mo 'yan, 'di na 'ko maghahanap pa ng iba
Basta ito ang laging tandaan
Ang pag-ibig ko ay para sa'yo lang
Pero bago ang lahat ako'y pauwi na (Uwi na)
Sandali lang, huwag mo na 'kong pagalitan (—litan)
Dami kong namiss sa'yong mga kulitan
Nating dalawa na minsan tayo ay nagkapikunan (—kunan)
Mahirap pala ang malayo sa tulad mo, isa 'yan sa natutunan ko
Kaya mga pagkukulang ko ay pupunan ko
Ako na ulit ang unan mo
Hey, miss na kita, baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na 'di ka na maghihintay at ('Di na)
Hindi ka na malulungkot malapit na 'ko

Baby, pauwi na 'ko, ako'y pauwi na
Baby, pauwi na 'ko, miss na miss na kita
Baby, pauwi na 'ko, ako'y uuwi na, hey
Hindi ka na malulungkot malapit na 'ko
Baby, pauwi na 'ko

Papunta na 'ko (Na 'ko)
Pasensya ka na (Na!)
Kung napaghintay kita, teka lang
Sorry, papunta na 'ko (Woo!)
Naiinip ka na ba? (Ba!)
Teka lang malapit na 'ko (Bppp!)
May gusto ka bang ipasabay para mabili ko na dito
Para wala na sa'ting umabala (—bala!)
Sa oras natin gumambala (—bala!)
Tayo lang dalawa walang iba
Maglalakbay hanggang sa tala (Tala!)
Ang sasakyan lang ay kama (Kama) pati ikaw
Kasi kapag ikaw ang kapiling alam ko na 'di ako maliligaw (Woo!)
Nasasabik na 'kong ikaw ay yakapin (Yakapin!)
Angkinin lahat ng akin (Akin!)
Walang segundong sasayangin
'Yung tipong maya't-maya mong hahanapin
Ang aking lambing na sa iba 'di mo pwedeng ihambing
'Di ka na muling giginawin, asahan mo 'yan sa aking pagdating
Hey, miss na kita, baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na 'di ka na maghihintay at ('Di na)
Hindi ka na malulungkot malapit na 'ko

Baby, pauwi na 'ko, ako'y pauwi na
Baby, pauwi na 'ko, miss na miss na kita
Baby, pauwi na 'ko, ako'y uuwi na, hey
Hindi ka na malulungkot malapit na 'ko
Baby, pauwi na 'ko

Medyo matagal na rin tayong hindi nagkita (Bebe)
Kaya ngayon alam mo ba na miss na miss na kita (Syempre)
At 'di ka na dapat pang malungkot, please ngumiti ka (Yeah)
Sa'yo ako ay nananabik na, baby, ako'y pauwi na
'Di mo na kailangan pa uli na mainip (Aye!)
Madadama mo na ulit ang mga halik (Aye!)
Mga yakapan na mahigpit na may kadikit
Na pag-ibig na wala nang makakahigit (Na, na, na)
Talagang 'di ko maipaliwanag
Napakasarap sa pakiramdam kasi (Kasi)
'Di mo lang alam kung ga'no katagal
Na nag-abang para muli kang mahagkan
Kaya naman hindi na kita bibitawan
Kapag nahawakan na ulit kita
Alam mo ba na miss kita?
Kung natiis ka peace na atleast 'di ka inalis
Sa isipan napakatamis, 'di ba?
'Wag kang mag-alala ako'y malapit na
'Wag ka nang magalit pa
Parating na 'ko hayaan mo akong makabawi pa
Kaya sana ay kumapit ka

Miss na kita, baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na 'di ka na maghihintay at ('Di na)
Hindi ka na malulungkot malapit na 'ko

Baby, pauwi na 'ko, ako'y pauwi na
Baby, pauwi na 'ko, miss na miss na kita
Baby, pauwi na 'ko, ako'y uuwi na, hey
Hindi ka na malulungkot malapit na 'ko
Baby, pauwi na 'ko

Pauwi na 'ko, woah
'Di ka na malulungkot, yeah, yeah
Hindi ka na malulungkot malapit na 'ko
Baby, pauwi na 'ko