CORRECT LYRICS

Lyrics : Nandito Lang Ako

Panty Droppaz League
Flip-D on the beat

Napakadami na nating pinagdaanan
Halos hindi na mabilang
Pero nandito pa rin tayo lumalaban
Patuloy pa rin tayo na lumalaban
Sa dilemma kahit na magkabilaan
Hindi mo 'ko iniwan nand'yan ka
'Pag kailangan ko sa tuwing nalulungkot
Kaya asahan mo na nandirito, umaraw man o bumagyo
Ibibigay lahat sa'yo, hangga't sa makakaya ko
Basta 'wag ka lang mawala, kasama ka, kasama ka
Hanggang sa ating pagtanda

Nandito lang ako
Hindi na hahayaang pumatak ang luha sa mata
Nandito lang ako
Hindi na pababayaang muling mag-isa
Nandito lang ako
Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari
Hinding-hindi na mawawala ako'y nandito sa'yong tabi
Kahit wala akong liwanag na makita
Lalo na 'pag nand'yan ka
Alam kong 'di mo 'ko hahayaang mag-isa
Kaya ko binigay ang aking tiwala
Kasi kakaiba ang iyong pinakita
Hirap at ginhawa sa puso't isipan mo
'Di ako mawawala, kaya asahan mo rin na
'Di ako bibitaw at iwan ka
Kahit na magbago ka sa puso ko nag-iisa
Basta 'wag ka lang mawala, kasama ka, kasama ka
Hangga't sa aking pagtanda

Yah, yah, Honcho!
'Wag kang mag-alala kapag na sa'kin ka
'Di ko ipapadama na alanganin
Desisyon sa akin na ako ang iyong pinili
Na yakapin tinangay ng hangin
Papunta sa kung saan nadatnan
Sinadya talaga tayo magt**igan
Kahit 'di kilala ika'y pinuntahan
Hanggang sa ito na tayo nagkaigihan
'Wag ka mag-alala asahan mo rin
Na tayo talaga hanggang sa huli
Na makasamang tumanda
Hanggang sa 'di na 'ko makatayo
Ikaw pa rin sa diwa ko
Nandito lang ako
Hindi na hahayaang pumatak ang luha sa mata
Nandito lang ako
Hindi na pababayaang muling mag-isa
Nandito lang ako
Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari
Hinding-hindi na mawawala ako'y nandito sa'yong tabi

Hindi ko kayang mawala ka, gusto kitang kasama
Ikaw ang nagbigay sa'kin ng gana
Salamat hindi ka nagsawa na intindihin ako, mahal kita
'Wag ka sa'kin maghihinala
Pasensya na kung minsan ako ay natatagalan
At least ginagawan ko ng paraan
Kasi wala akong masabi sa'king nararamdaman
Kapag kausap ka, dibdib ko ay laging magaan
Naaalala mo pa ba 'yung mga sinabi mo sa'kin?
'Yung nag-away tayo halos ayaw mo 'kong kausapin
Wala akong magawa nung umuwi na lang sa amin
Naghintay baka sakaling pansinin at patawarin
Lahat ng 'yun alam ko na, abot kita
Kaya lahat tinatanggap ko na
Hindi mo ba napupuna kahit galit ang mauna
Isang ngiti mo lang lahat-lahat agad nabubura
Salamat dumating ka sa'kin sa taon na 'to (Salamat)
Salamat dumating sa pagkakataon na 'to (Salamat)
Salamat sa tiwala mo na sa'kin binigay (Salamat)
Salamat dahil ako'y tinanggap mo ng buo
Hanggang huli na 'to, wala nang bawian
Andito lang ako kasi nand'yan ka lang
Hindi ka nawala sa aking likuran
'Di na kita papakawalan

Nandito lang ako
Hindi na hahayaang pumatak ang luha sa mata
Nandito lang ako
Hindi na pababayaang muling mag-isa
Nandito lang ako
Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari
Hinding-hindi na mawawala ako'y nandito sa'yong tabi

Nandito lang ako
Nandito lang ako
Nandito lang ako
Kasama mo palagi kahit ano man ang mangyari
Hinding-hindi na mawawala ako'y nandito sa'yong tabi