CORRECT LYRICS

Lyrics : Pasensya Na

Gusto ko ng sabihin na mahal pa kita
Pero 'di ko magawa, 'di makasalita
Kaya pasensya na (Pasensya na, pasensya na)
Hanggang tingin na lang ba baka mapahiya
O baka mawala kapag inamin ko pa
Kaya pasensya na (Pasensya na, pasensya na)

Lagi na lang nag-aabang, nakatingin kung sa'n
Napailing na lang dahil 'di ko matago
Kahit 'lam kung malabo (Pero bakit 'di ko mabago)
('Di ko mabago kahit ga'no kalayo)
Kahit na anong gawin maglasing, magpakalunod ng gising
Gamutin ang sakit kahit ako'y nakapiring
(Ano ba, ano ba, ano ba, ano ba)
Pwede bang sa akin kana (Akin ka, akin ka, akin ka)
Kasi hindi madali at magpakaapi na
Tatanggapin ba ayoko nang makita
Pero hindi pa rin ako nanghihina
Kaya halika sa'kin magpakita

Gusto ko ng sabihin na mahal pa kita
Pero 'di ko magawa, 'di makasalita
Kaya pasensya na (Pasensya na, pasensya na)
Hanggang tingin na lang ba baka mapahiya
O baka mawala kapag inamin ko pa
Kaya pasensya na (Pasensya na, pasensya na)
'Di mo ba alam na mahal pa kita
Sa bagay 'di ko pinadadama sa'yo 'di ko pinapahalata
Ang gagawin mo na lang ay kung anong mahalaga
Na dapat lang 'di mo na matanto, kung bakit gan'to ako'y huminto
Sa inyong pinto kasi lihim kong pinagmamasdan ang paglabas mo
Okay na sa'kin 'yung gan'to, uh, mahabang bihisan 'to, uh
Habang tinitignan ko 'yung kilos mo
Nawiwindang 'to, nahihibang 'to, nagbibilang 'to
Ng araw sa'n pa sasaad 'to habang pasan ko
Ay parang mundo naghihintay na lang ng sundo
Gusto ko na kasi ay lumigaya ka
Mapatawad mo sa aking mga nagawa
Na hindi ko nasabi na nawala kaya
Sa'kin malamang ay nagbago na
Kaya pasensya na ako'y nakokonsensya na, sa eksena na
Ako dapat 'yung nando'n sa prinsesa niya

Gusto ko ng sabihin na mahal pa kita
Pero 'di ko magawa, 'di makasalita
Kaya pasensya na (Pasensya na, pasensya na)
Hanggang tingin na lang ba baka mapahiya
O baka mawala kapag inamin ko pa
Kaya pasensya na (Pasensya na, pasensya na)
Oo mahal pa kita 'di na mawawala 'yan
Anong magagawa ko, 'yan ang nakasanayan
Sa dami mong iniisip ayoko na lang makipagsabayan
Tadhana na siguro ang may ayaw, sayang
Kung alam mo lang, kung ga'no ako kasaya
'Pag nakikita kong nakatingin ang 'yong mata
Sa akin kaso nga lang ay wala 'kong magawa
Laging nilalamon ng hiya
At kung 'di talaga para sa'tin ang isa't isa
Siguro'y hahayaan na muna kita kahit pa

Gusto ko ng sabihin na mahal pa kita
Pero 'di ko magawa, 'di makasalita
Kaya pasensya na (Pasensya na, pasensya na)
Hanggang tingin na lang ba baka mapahiya
O baka mawala kapag inamin ko pa
Kaya pasensya na (Pasensya na, pasensya na)

Kaya pasensya na
Kaya pasensya na