CORRECT LYRICS

Lyrics : Paalam

Yeah, Skusta Clee
Panty Droppaz League

Ang ganda ng aking umaga (Umaga)
Kasi may espesyal na nakilala (Nakilala)
Na nagbigay ng kulay at hiwaga (Hiwaga)
Nagsimula ng bagong kabanata (Kabanata)
Bawat minuto ay masaya (Masaya)
Ligaya ang kamit kapag kasama (Kasama)
Kaso bigla akong napabahala
Tayong dalawa'y para nang nag-iiba
Lambingan nawala, napalitan ng bangayan
Sampal at mura ang ating umagahan
'Di ko na alam, hindi maintindihan
Pinagsamahan natin pinagdududahan
'Di ko na alam gusto nilang makialam
Gusto kitang paglaban kaso ayaw mo naman
At siguro ito na ang oras, oras na para ako'y kumalas

Bibitaw na 'ko sa iyo, paalam
Bibitaw na 'ko sa iyo, paalam
Bibitaw na 'ko sa pinagdaanan
Masasabi ko lang sa iyo, paalam
Paalam (Paalam)
Paalam (Paalam)
Paalam (Paalam)
Paalam, paalam

Mag-iingat ka palagi, paalam
Umalis ka na kahit 'wag ka nang magpaalam
At wala na sa'kin 'yung ating pinagsamahan
Napapagod na 'ko, baka 'di mo nalalaman
'Di na 'ko kinikilig, 'pag ngumingiti ka
Pasensya na tiwala 'ko sa'yo ay umikli na
Lumayas ka na lang dito mas maigi pa
Mas naniniwala pa 'ko, 'pag nagsisinungaling ka
Kasi nasanay ka na, hinahabol kita palagi
Kahit na, kasalanan mo
Palibhasa 'lam mo na, mahal kita
Kaya sinasamantala, kahinaan ko, pero
'Di mo lang alam wala na 'kong pakialam
Ayoko nang paglaban kasi sayang din naman
Nagsayang lang ako ng oras
Buti na lang agad akong kumalas

Bibitaw na 'ko sa iyo, paalam
Bibitaw na 'ko sa iyo, paalam
Hindi na pa dapat pa 'ko manghinayang
Tapos na 'ko sa iyong kalokohan
Paalam