CORRECT LYRICS

Lyrics : Lagi

Ikaw agad ang bungad ng magandang umaga
Hindi kumpleto ang araw, 'pag ’di kita kasama
Okay lang nandito lang ako na laging nakaabang
Kahit na magdamag, ohh

Eh, ano naman kung ilang oras ang masayang?
'Di naman ako manghihinayang
Handa akong magbabad makasama ka lang
Ayos lang kahit gabihin pa 'ko kakatingin, dahil

’Di ka nakakasawang tingnan
Pagmasdan ang 'yong mga mata, woah, woah, woah-ohh
Susundan, susundan sa'n man magpunta, oh-woah, woah-oh

Basta't ngumiti ka lang palagi, lagi, lagi
Oh lagi, laging ngumiti ka lang sa'kin, akin, akin
Palaging ngumiti ka lang, palagi, lagi, lagi
Oh lagi, ngumiti ka lang palagi, yeah

Alam mo ba mula nung dumating ka?
Bumalik 'yung nawala kong sigla
Ikaw ang naglagay ng tamis, inalis ang pait
Sa masama kong timpla, sa buong buhay ko
Ngayon ko lang naranasan ang saya ng mundo
Kasi dahil sa'yo
Okay lang anak kung ilang oras ang masayang
'Di naman ako manghihinayang
Handa akong magbabad makasama ka lang
Ayos lang kahit gabihin pa ’ko kakatingin, dahil

’Di ka nakakasawang tingnan
Pagmasdan ang 'yong mga mata, woah, woah, woah-ohh
Susundan, susundan sa’n man magpunta, oh-woah, woah-oh

Basta't ngumiti ka lang palagi, lagi, lagi
Oh lagi, laging ngumiti ka lang sa'kin, akin, akin
Palaging ngumiti ka lang, palagi, lagi, lagi
Oh lagi, ngumiti ka lang palagi, yeah

Na-na-na, na-na-na, yeah, yeah, yeah
Ngumiti ka lang palagi
Ngumiti ka lang, woah-ohh