CORRECT LYRICS

Lyrics : Ikaw Lamang

Ikaw lang ang babaeng lagi kung iniisip
Dala ka sa pagtulog at aking panaginip
Mahal kita, ano man ang kanilang sabihin
Sa'yo lamang i-aalay ang tunay ko na pag-ibig
Dahil ikaw lang ang lagi

Ikaw lamang ang laging nasa panaginip ko, yeah (Panaginip ko)
Para bang ayaw ko nang itigil 'to, yeah (Itigil 'to)
Ikaw at ikaw pa rin ang nasa isip ko (Nasa isip ko)
Kahit nand'yan ka palagi na sa piling ko
Araw-araw kitang aalagaan
Laging sasabihin sa'yo na ikaw lamang (Laging sasabihin sa'yo)
Kahit na maraming hadlang
Forever na 'to hanggang sa dulo ng walang hanggan

Ikaw lang ang babae laging kung iniisip
Dala ka sa pagtulog at aking panaginip
Mahal kita, ano man ang kanilang sabihin
Sa'yo lamang i-aalay ang tunay ko na pag-ibig

Dahil ikaw lang ang lagi
Ikaw lang, ikaw lang talaga ang nasa isip ko
Ikaw lang ang lagi
Ikaw lang, ikaw lang talaga sa panaginip ko
Ikaw lang ang lagi, yeah (Ikaw lang talaga)
Ikaw lang ang lagi (Ikaw lang talaga)
Ikaw lang, ikaw lang ang laging nasa puso ko
Bibeh, uh, araw-araw kitang liligawan (Liligawan)
Hindi ka bibitawan, ang dami mang babaeng naglilitawan
Hindi kita pagpapalit dahil ikaw ang nag-iisa sa puso ko
Isang ngiti mo lang sapat na sa'kin 'to
Wala na talaga akong ibang gusto
Kasama pa kita sa sunod na yugto ng ating pag-ibig
Gusto kitang makapiling, makasama ka hanggang huli
Araw man o gabi, ayokong mawalay sa'yo, woah, ooh

Ikaw lang ang babaeng lagi kung iniisip
Dala ka sa pagtulog at aking panaginip
Mahal kita, ano man ang kanilang sabihin
Sa'yo lamang i-aalay ang tunay ko na pag-ibig

Dahil ikaw lang ang lagi
Ikaw lang, ikaw lang talaga ang nasa isip ko
Ikaw lang ang lagi
Ikaw lang, ikaw lang talaga sa panaginip ko
Ikaw lang ang lagi, yeah (Ikaw lang talaga)
Ikaw lang ang lagi (Ikaw lang talaga)
Ikaw lang, ikaw lang ang laging nasa puso ko

Ikaw ang laging sasabihin ko (Sasabihin ko)
Ikaw lang laging hahanapin ko (Hahanapin ko)
Ipagsisigawan sa buong mundo
Na ikaw lang mahal ko (Ikaw ang mahal ko)
Wala nang iba pang hihigit sa'yo (Hihigit sa'yo)
Walang kapantay dito sa puso ko (Sa puso ko)
Lahat ng sinabi ko ay totoo (Sinabi ko ay totoo)
'Wag ka nang aalis sa piling ko, woah-oh
Ikaw lang babaeng lagi kong iniisip
Dala ka sa pagtulog at aking panaginip (Yeah, panaginip)
Mahal kita, ano man ang kanilang sabihin (Sabihin)
Sa'yo lamang i-aalay ang tunay ko na pag-ibig (Sa'yo lamang)

Dahil ikaw lang ang lagi, yeah
Ikaw lang ang lagi
Sabihin muna sa'kin 'yan
Dahil ikaw lang lagi, yeah
Ikaw lang ang lagi