CORRECT LYRICS

Lyrics : Gaga

Ayan ka ngayon at naghahabol
Wala ka nang pag-asa, hoy, 'di ka nagagahol
'Di na rin para sa'yo'y maging mapagpatol
Kasi 'di naman na tulad mo katapat ko
Hindi ka bumilib, 'di ko na kasalanan 'yon
Wala na 'kong dapat pang sagutin sa'yong tanong
'Wag ka dito, oy, 'wag sa malapit sa'kin lumayo ka, do'n
Kahit magkalapit tayo 'di mo na 'ko abot
Kilala na kita, magtanggal man ng 'yong saplot
Nalawayan na pero hindi pa nausog
Sino sa'tin ngayon nalugmok, ha?

Kung 'di ka lang gaga, kung maayos ka lang nakisama
Kasama ka sana, eh 'di ka naniwala
Kung 'di ka lang gaga, eh 'di sana katabi kita
Sa malambot na kama, kung 'di ka lang gaga

'Wag na tayong magtanungan ng kulang
Kasi ang kasagutan hahaba lang ang sagutan
Ako ay tinalikuran mo nung panahon na baon na sa utang
At nung sagana na, bigla kang lulutang
Buti kahit papaano (Pa'no)
Naihaharap mo pa mukha mo (—ka mo)
Porket nakikitang nana***o, gustong makisalo
Kaso 'di na pwede dami nang nagbago
Buti nawalan ka ng gana, do'n ako ginanahan
At gumana para hanapin pa kung anong mas tama
Talaga pa lang palabiro ang tadhana
Kung kailan ka nawala, tyaka ako pinagpala