CORRECT LYRICS

Lyrics : Fallin’

Oh-oh-oh-ohh

I give my heart to you tonight
Oh, baby, hold on tight
I think I'm fallin', fallin' for you
A feelin', I just can't describe
Something tellin' me inside
I think I'm fallin', fallin' for you

Hinawakan ang kamay mo't tinignan kita
Ibang ngiti sa akin ang 'yong pinadama
Hangang sa magkausap na tayo, do'n lahat ay nagbago
'Yung dating malabo, mas luminaw pa lalo
Hangang sa nagkaroon ng pagkakataon na ikaw ay makasama
'Di ko na pinatagal nang sa gano'n, agad-agad na kita na makilala
Kahit na hindi ko alam, kung saan nga ba ang pupuntahan?
Ng ating usapan, ang alam ko lang, ako ay nahulog na naman
I'm fallin fast and I don't know what you do
All I know is every part of me, baby was you
'Di ko akalain na mahuhulog pa pero nahulog na
At sa'yo napunta ang lahat ng katangian
Na hinahanap ko na wala sa iba
I give my heart to you tonight
Oh, baby, hold on tight
I think I'm fallin', fallin' for you
A feelin', I just can't describe
Something tellin' me inside
I think I'm fallin', fallin' for you

Kung alam mo lang siguro ang nadarama
Na nahulog na sa'yo 'di na kinaya
Ang pigilan na ibigin ka palaging nakabitin
Sa pagitan ng mga tanong at sana
Sana bukas ay mahulog ka na din sa'kin
Meron mang mga balakid, tawirin natin
Kaso meron ding tanong, kung pwede bang sa'kin?
Ipagkatiwala lang ang damdamin
Parang dinadalaw ng imahe mo
Palagi aking puso hinahanap ka
Ang mga ngiti pati kinang ng 'yong mga mata
Sa aking utak, tila nakatarak na
Kahit saan mapatingin pa man ay gano'n pa din
Ikaw ang natatanaw kahit anong gawin
Kahit saan makarating bali-baliktarin
Ang sagot sa katanungan ko'y ikaw pa din
Ang nais makasama ko sa bawat sandali
At pag-alayan nang lahat ng mga kayang ibigay
Pinagpala ang katulad ko ni Bathala
Magmula nung sandali na sabay tayong tinangay
Ng hangin, palapit sa isa't isa, 'di ko akalain na ikaw na nga
Laging iingatan at umasa ka na sa'kin
'Di na papatak ang luha sa iyong mga mata
I give my heart to you tonight
Oh, baby, hold on tight
I think I'm fallin', fallin' for you
A feelin', I just can't describe
Something tellin' me inside
I think I'm fallin', fallin' for you

'Di naman ako dating gan'to, dati sa'kin ang lahat laro lang
Pero simula nang nakilala kita, inaamin ko na ako ay naguluhan
Kasi biglang nagkaroon na lang ng kabuluhan
Para sa'kin ang mga salitang mahirap ipaliwanag
Pero ang katotohanan pagmamahal na pala ang kahulugan
Hangang sa 'di ko na mapigilan ang sarili ko
Gusto ko lagi kang nakikita, binibini ko
Dala-dala ka palagi at tumatakbo ka sa isip ko
Sa sobrang sabik ko na sa piling mo
Sinasama ka hanggang sa panaginip ko
Tama pa ba 'to o sadyang tinamaan ako?
Wala na 'kong pakialam, ano man ang kalabasan
Ang mahalaga, sasama 'ko sa'yo
Kahit na maging mahirap ang kalagyan
Para sa'yo kakayanin ko lahat 'yan
Bahala na kahit na ako'y masaktan
Ganito pala talaga ang pakiramdam, 'pag napamahal
Ewan ko lang kung tama pa ba ang lahat ng 'to
Ang iniisip ko na lang ay ang sarili ko
Gusto ko palagi, andito ka sa tabi ko
Siguro nga ako ay nahuhulog na sa'yo
Nalilibang ba o nahihibang na?
Wala na 'kong pakialam kahit may masaktan pa
Basta't mahal kita at 'yun lang ang mahalaga
Handa 'kong iwan ang lahat makuha lang kita, ah-ahh

I give my heart to you tonight
Oh, baby, hold on tight
I think I'm fallin', fallin' for you
A feelin', I just can't describe
Something tellin' me inside
I think I'm fallin', fallin' for you