CORRECT LYRICS

Lyrics : Ang Liwanag

‘Wag mong harangan ang daan
Papunta sa‘yong mga ngiti
Sasamahan ka hangga’t
Ang tamis ay mabawi

Iyong sarili pagmasdan
Kung ga’no ka kahalaga
Sumandal, hindi hahayaang mag-isa

Palagi mong ilagay sa isip mo (oooh)
Na malabo kitang iwanan (iwanan)
Malabo kitang bitawan

(oh)
Tumingin sa‘yong paligid (oh)
Puno ka ng pag-ibig (oh)
Ngiti mo ay palagi lang
Kay gandang tignan
Ikaw ang ibig sabihin (oh)
Ng ligaya sa dibdib (hey)
Ako ang liwanag sa tuwing
Mundo mo ay madilim
Ma***ig ka na kaya mo
Dahil may darating pa na kung ano
Maghintay, basag na isip mabubuo
Bumalik ka sa akin
Kapag nakuha mo na ang ‘yong gusto
Sabay abutin
Tawanan ang mapagbirong mundo

Palagi mong ilagay sa isip mo (oh)
Na malabo kitang iwanan (iwanan)
Malabo kitang bitawan

(oh)
Tumingin sa‘yong paligid (oh)
Puno ka ng pag-ibig (oh)
Ngiti mo ay palagi lang
Kay gandang tignan
Ikaw ang ibig sabihin (oh)
Ng ligaya sa dibdib (hey)
Ako ang liwanag sa tuwing
Mundo mo ay madilim

Oooh, hindi kana dapat mangamba
Ako ang kasama mo at nakahanda
Ako na sa kanila ay ipaglaban ka
Subukan man nila tayong sirain
Ay malabo nang mangyari
Dahil pagmamahal parin ang mananaig
Sa‘tin

(oh)
Tumingin sa‘yong paligid (oh)
Puno ka ng pag-ibig (oh)
Ngiti mo ay palagi lang
Kay gandang tignan (kay gandang tignan woah-oh)
Ikaw ang ibig sabihin (oh)
Ng ligaya sa dibdib (hey)
Ako ang liwanag sa tuwing
Mundo mo ay madilim

Ako ang liwanag sa tuwing
Mundo mo ay madilim