CORRECT LYRICS

Lyrics : Kalangitan

Tignan mo ang mga bituin
Sa'tin sila nakatingin
Aangkinin natin ang kalawakan
Namnamin mo ang musika't
Sasayaw tayong dalawang
Nakapikit ang mga mata't
Dahan-dahan kitang ihahatid sa

Kalangitang puno ng mga bituin
Tutumbasan ang 'yong panalangin
Na karapatang lumayang umawit
Paglaya ang tangi mong nais
Sa kagaratang 'di ayon ang alon
Kapayapaan, sigaw ng 'yong puso
Iyong tandaan sa bawat hakbang kasama mo ako

Pakinggan mo ang ihip ng hangin
Meron binubulong sa ating
Kakayanin mo ang lahat (Kakayanin mo ang lahat)
Hawakan mo busilak mong puso't
Langhapin mo ang tamis ng panalo
'Di ka na mag-iisa't
Sasamahan kitang ihahatid sa
Kalangitang puno ng mga bituin
Tutumbasan ang yong panalangin
Na karapatang lumayang umawit
Paglaya ang tangi mong nais
Sa kagaratang 'di ayon ang alon
Kapayapaan, sigaw ng 'yong puso
Iyong tandaan sa bawat hakbang kasama mo ako