CORRECT LYRICS

Lyrics : Unang Sayaw

Tumatalon ang puso
Sa tuwa ay patungong langit na 'ata
Ikaw ang kasama
Sa titig pa lang tunaw na
Hawak sa kamay wala na akong palag sa
Ay pag-ibig na 'ata

Sa ilalim ng kalawakan pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pamahalaan

Tila'y rosas na pula, labi mong nagsasalita
Kay sarap itigil ang oras, maaari'y itali't iposas
Ang iyong mga tingin, labis ang mga ningning
Oh, panaginip ka, ayaw nang gumising pa

Sa ilalim ng kalawakan pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pamahalaan
Sinta, naalala mo pa
Nung unang araw na magtagpo ang mga mata?
Mga tala sa langit ay bumaba
Tila'y liwanag mo'y nagbabadya
Ng bagyo sa pusong pawala
Oh, sinta, sana naaalala mo pa
'Yung mga unang sayaw nating dalawa
Kasi sa bawat pagpikit ng aking mga mata
Hanggang sa huling indak ng mga paa
Alam kong habang buhay, iibigin kita

Sa ilalim ng kalawakan pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan at hawakan aking kamay
Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pakasalan