CORRECTAR LA LETRA

Letra : Pasalubong

Mga gabing nakatingin sa salaming nagtatanong sa'kin
Kailan kaya makakamit pagsuyo na hindi binabalik
Maghihintay ako, hanggang mapa-sa'yo

Pasalubong naman sa'king nararamdaman
'Pag umamin sa'yo
Sana ay mapagbigyan
Kaibigan o kaya bang mag-ibigan

Kapalaran ka ba o pangarap lang
'Di ko alam kung may pag-asa pa sa'yo, nalilito
O malay natin pareho lang tayong natatakot
Kaya idadaan sa tawanan, ang pala-isipan kung kaya bang
Maidahan-dahan, ika'y makatuluyan

Pasalubong naman sa'king nararamdaman
'Pag umamin sa'yo
Sana ay mapagbigyan
Kaibigan o kaya bang mag-ibigan

Kung kapiling ka na
Hindi na sasayangin pa
Aaminin ko na, gusto kita