CORRECTAR LA LETRA

Letra : Kapangyarihan

Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?

'Di naman kami nagkulang
Sa aming pag-uunawa
'Di ka namin isusuka
Kung hindi ka pa sukdulan

Huwag niyong tapakan
Ang katarungan

Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
Magwawagi ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak

Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat

Ibon na may layang lumipad
'Di mo na makukulong

Akala niyo ba, ang kapangyarihan
Ay nasa inyo? Sino ba kayo?
Magwawagi, ang katotohanan
Ang kadiliman ay ibabagsak

Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat

Katotohanan ang dapat mamuno
Sa namumuno sa mamamayan
Makatarungan ang dapat mamuno
Sa namumuno sa mamamayan

Nagsisilbi ka dapat
Nagsisilbi ka dapat