CORRECTAR LA LETRA

Letra : Mag-ingat

Noon nakatanggap ako ng isang mensahe
Nag-aalok ng raket o negosyo
Buti na lang ginoogle ko ang mga detalye
Scam pala't marami nang naloko

Paano ba malaman kung alin ang totoo?
Sa dinami-rami ng manloloko
Kailangan ko...

Mag-ingat sa pang-aabuso
Ingat sa pang-aapi
Ingat ka sa nakatago
May balak na marumi

Ako'y may naka-chat at paglaon nahumaling (Sino?)
'Di naman pala siya totoong tao
Nakabasa ng balita, sinuri kung sa'n galing
Peke naman pala 'yung laman nito

Paano ba malaman kung alin ang totoo?
Sa dinami-rami ng manloloko
Kailangan ko...
Mag-ingat sa pang-aabuso
Ingat sa pang-aapi
Ingat ka sa nakatago
May balak na marumi

Na sa ating kamay
Wala nang kakayahang
Suriing mabuti ang nababasa
Na sa ating kamay
Puso ang kakayahang
Na sigurado na tayo'y nag-iingat