CORRECTAR LA LETRA

Letra : Dahilan

Panahon
May mga sikretong binubulong
Kung lumipas na ba
Takdang oras na nakalaan

Sa atin
At parang ihip lang ng hangin
Tayo’y lilisan din
At kailanma’y di maiintindihan

Bakit pilit inaagaw
Ng tadhana ang bukas na tinatanaw
Kung ang buhay ay byaheng balikan
Bakit papunta pa lang ito’y tutuldukan
Ano kayang dahilan?

Panahon
Kay bilis lang minsan na di natin
Namamalayang nasayang
Oras natin sa paghihintay

Sa magpakailanman
At kapag ating naintindihan
Huli na ang lahat
Kaya’t sulitin ang bawat pagkakataon

Kahit pilit aagawin
Ng tadhana ang landas na tatahakin
Wag kang matakot
Mundo ay umiikot
Anumang kalabasan ng kinabukasan
Lahat ng bagay may dahilan

Awitin natin, sa mga bituin
Na ang kalangitan ay magpahiwatig sa atin
Ng liwanag, kanyang kaalaman
Na ang lahat ng bagay ay may dahilan

Lahat ng bagay may (Lahat ng bagay)
Lahat ng bagay may (Lahat ng bagay)
Lahat ng bagay may
Dahilan