CAPA/TRACKLIST

Letra : Binhi

‘Di ko na nadiligan
Ang binhi ng iyong pagmamahal
Ayoko nang sapilitang
Ibuhos ang lahat ng dinadamdam
Ang tangi kong hiling ay mahawakan
Ang iyong mga kamay at daliri habang
Dahan-dahang haplusin ng mga salita
Ang puso mong sabik mayakap ‘pag nag-iisa

Kaya tahan na (ooh, ooh)
Sumandal ka (whoa, whoa)
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng iyong labi o paraluman

Binibining natutulog
Sa ilalim ng aking mga bulaklak
‘Di mababaon sa limot ang
Ligayang hatid ng iyong halimuyak
Alak lamang ang pumunas sa natira
Mong ala-alang ‘di kumupas
At kahit na, ipilit ko mang ibalik pa ang dati
Tayo'y mawawala pa rin

Kaya tahan na (whoa, whoa)
Sumandal ka (whoa, whoa)
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng iyong labi o paraluman
Ilang araw nang, nakahiga
Tuluyan na nga bang ako'y iyong nilisan
Kahit saglit pwede bang mahawakan?

‘Di na kailangang lumayo
Halika sa akin
‘Di na muling mabibigo
Ako ay yakapin

Kaya tahan na (whoa, whoa)
Sumandal ka (whoa, whoa)
Hayaan mo na aking paglaruan
Apoy ng iyong labi o paraluman
Ilang araw nang, nakahiga
Tuluyan na nga bang ako'y iyong nilisan
Kahit saglit pwede bang mahawakan