CAPA/TRACKLIST

Letra : Ikaw Ang Liwanag At Ligaya

Sa isang iglap mga ngiti'y natakpan
Mahigpit na yakap, kailangang pakawalan
Dumaan ang dilim, napuno ng bituin
Sa iyong lilim, pag-ibig mas nagningning

Hinahanap ang kahapon sa panibagong ngayon
Marami ang nagbago, ngunit 'di ang pagmamahal Mo

Ngayong Pasko, magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig Mo'y may himala, may panibagong simula
Ngayong Pasko, babalik ang saya
Dahil Ikaw ang Liwanag at Ligaya

Ikaw lang, Ikaw lang
Ikaw ang Liwanag at Ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang
Ikaw ang Liwanag at Ligaya (Oh-oh, yeah)

Kami ay may lakas, na harapin ang bukas
Ikaw ang gabay sa bawat landas
Gawin kaming liwanag para sa isa't isa
Pag-asang sumisinag sa pamilya at sa kapwa
Ngayong Pasko, magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig Mo'y may himala, may panibagong simula
Ngayong Pasko, babalik ang saya
Dahil Ikaw ang Liwanag at Ligaya

Ikaw lang, Ikaw lang
Ikaw ang Liwanag at Ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang
Ikaw ang Liwanag at Ligaya

Sa mahabang gabi, tumigil ang mundo
Sa pag-asang dala Mo, tuloy ang Pasko

Liwanag, Ligaya, Light, Joy
Claridad, Alegria, Kasanag, Kasadya
Lamrag, Kalipay, Sahaya, Kakuyagan
Kahayag, Kalipay, Raniag, Ragsak
Liwawa, Liket, Sigay, Lilini
Liwanag, Kaogmahan, Sulu at ing tula
Kibou, Yorokobi, Illumina, Gioia
YangGuang, XiYue, Lumiere, Joie
Bit, Jeulgeoum, Adwaa', Farah
'Or', Osher, Luz, Alegria
Liwanag at ligaya nagmumula sa 'Yo
Ikakalat sa mundo

Ngayong Pasko, magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig Mo'y may himala, may panibagong simula
Ngayong Pasko, babalik ang saya
Dahil Ikaw ang Liwanag at Ligaya

Ngayong Pasko, magdiriwang ang mundo
Sa pag-ibig Mo'y may himala, may panibagong simula
Ngayong Pasko, babalik ang saya (May panibagong simula)
Dahil Ikaw ang Liwanag at Ligaya

Ikaw lang, Ikaw lang
Ikaw ang Liwanag at Ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang
Ikaw ang Liwanag at Ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang
Ikaw ang Liwanag at Ligaya
Ikaw lang, Ikaw lang
Ikaw ang Liwanag at Ligaya