ENVIAR LETRAS
Top 100
Lançamentos de álbuns
Artistas
Comunidade
francês
Espanhol
Português
corrija a letra Letra
Masdan mo ang kapaligiran
por
Freddie Aguilar
Retornar
Letra
Wala ka bang napapansin Sa iyong mga kapaligiran 'Kay dumi na ng hangin Pati na ang mga ilog natin Hindi na masama ang pag-unlad At malayu-layo na rin ang ating narating Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Dati'y kulay asul ngayo'y naging itim Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Sa langit 'wag na nating paabutin Upang kung tayo'y pumanaw man Sariwang hangin sa langit natin mat**ikman Mayro'n lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan Ang mga batang ngayon lang isinilang May hangin pa kayang mat**ikman May mga puno pa kaya silang aakyatin May mga ilog pa kayang lalanguyan Bakit 'di natin pag-isipan Ang nangyayari sa ating kapaligiran Hindi nga masama ang pag-unlad Kung hindi nakakasira ng kalikasan Darating ang panahon Mga ibong gala ay wala nang madadapuan Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag Ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan Lahat ng bagay na narito sa lupa Biyayang galing sa Diyos kahit noong ika'y wala pa Ingatan natin at 'wag nang sirain pa 'Pagkat 'pag kanyang binawi tayo'y mawawala na Mayro'n lang akong hinihiling Sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan Gitara ko ay aking dadalhin Upang sa ulap na lang tayo magkantahan
vídeo de música
Seu nome será publicado. Deixe os campos em branco para permanecer anônimo.
Enviar
Modal title
×
Adicionar mídia
Video URL?
(YouTube, Vimeo, Instagram, DailyMotion, Soundcloud)
×
Lembre de mim
Senha perdida
Entrar
Registrarse