CORRECT LYRICS

Lyrics : Tahan

Sabi Niya
‘Wag mag-alala
Dahil hawak ka Niya
Sabi Niya
‘Wag mag-alinlangan
Sabihin mo lang ang lahat ng nadarama

Natatakot
Kinakabahan sa kawalan ng
Katiyakan ng buhay
Iniisip
Kung paano na
Ang bukas kung lahat ay ibang iba
O Diyos, palimos ng pag-asa

Tahan ka na
Ikaw ay maniwalang
Gumagalaw Siya (Mahal ka ng Panginoon)
Mula pa noon
Siya na ang Panginoon
At hawak ka Niya

‘Wag nang matakot
‘Wag nang kabahan
Kumikilos ang Diyos
Siya'y buhay
Ika'y manalig
Magtatagumpay
O Diyos, aking bukas iaalay (Iaalay)
Ikaw ang pag-asa habang buhay

Tahan na
Manalig ka
Mahal ka Niya
Aalagaan ang lahat ng iyong pag-aalala

‘Wag nang matakot
‘Wag nang kabahan
Kumikilos ang Diyos
Siya'y buhay
Ika'y manalig
Magtatagumpay
O Diyos, aking bukas iaalay (Iaalay)
Ikaw ang pag-asa habang buhay

Tahan na
Mahal ka Niya