CORRECT LYRICS

Lyrics : Biruan

Naiyak buong gabi puro nalang pighati
Tulo ng luha saking balikat ay hindi parin natutuyo sapagkat labi mo'y nadarama ko pa
Hindi na makabangon sapagkat sayo ay nadapa

Ramdam ko pa ang iyong init sa tuwing
Ako’y kailangan mo'y hindi parin tumatanggi
Kahit alam na bingit ang lahat
Sayo parin ako ay nakagat
Habang tuwang tuwa ka sa laro na ako ang taya

Hindi mo na sinasagot ang mga tawag ko dumadalas na ang gabi na wala ka sa tabi ko
Tanging tunog ng boses mo dinig kahit saang anggulo
Ang isip ay gulong gulo hindi alam ba't ganito?

Siguro nga’y nahulog na sa ating biruan
Lumalamig na ang gabi
'di mo ba nararamdaman?
Pwede bang yumakap kahit ito'y kunwarian nalang?
Labis mo 'kong sinasaktan na parang ako'y laruan

(Interlude)

Hindi alam kung saan ko ba sisimulan
Ang bukas na dumarating sobrang dilim ng dadaanan
Tatahakin ang lungkot sa huling gabi na tayo ay mag-kaakbay, mag kahawak ang kamay