CORRECT LYRICS

Lyrics : MTM (Magkakasama Tayong Muli)

Hassle naman
Lahat nalang bawal
Paano na 'yan?
'Di ka mapuntahan

Alala mo pa
Laging magkasama
Kahit ano pang datnan
Lahat ay simple lang

Pero ngayon, online nalang nagkikita
Buti nalang may libre
Kasi nahulaan ko
Ang password ng kapitbahay

Ohhh, maaasahan mo
Magkakasama tayong muli
Tulad ng dati
Tulad ng dati

Promise ko to
'Numan ang mangyari
Walang iwanan
Basta, bahala na

Pilitin nalang
Masanay sa bago
Bagong normal na
Ayaw ko naman

Babalik pa kaya sa dati?
Sana naman di ganito parati
"Wala sanang bibitaw"
Ang sabi ng kapitbahay

Ohhh, maaasahan mo
Magkakasama tayong muli
Tulad ng dati
Tulad ng dati

Huwag mangamba
Huwag kang matakot
Dahil matatapos rin
Lahat ng ito!

Ohhh, maaasahan mo
Magkakasama tayong muli
Tulad ng dati
Tulad ng dati

La la la la la la la la
La la la la la la la la
La la la la la la la la la la la
Tulad ng dati
La la la la la la la la
La la la la la la la la
La la la la la la la la la la la
Tulad ng dati