CORRECT LYRICS

Lyrics : Bungantulog

May sarili nanamang mundo
Nabubuo sa isip ko
Walang nakakaalam nito
Mga pangarap gustong mabuo
‘Di man maintindihan ang takbo
At ang pusong ‘di kumikibo
Siguradong ‘di mapapahinto
Ang isipan

Sa’king paglingon
May bumabaon
Ala-alang ‘di na makalimutan
‘Di mawawala
Bigla kang tulala
Sarili lang nakakaalam nito

Bungantulog
Mag-ingat baka ika’y mahulog
Hayaan lang ang
Bungantulog
Mag-ingat baka ika’y mahulog

Sa kabila ng mga naganap
Mawawala nang isang iglap
Hindi makita ang realidad
At ang pangarap ko ay matupad
Sino ba'ng makakapagpaalam
Sa lahat ng mga nanonood?
Na ang buhay 'di lang nandirito
Pag-isipan

At sa panahong
May bumubulong
Ala-alang 'di mo maiiwasan
'Di mawawala
Bigla kang tulala
Sarili lang nakakaalam nito

Bungantulog
Naghihintay ng bagong turo
Yakapin mo ang
Bungantulog
Nagbibigay ng bagong turo

Palaging naiiwang tulala
Dugo ang tumutulo sa mata

Bungantulog
Sumusulyap sa ating ulo
Kumapit ka sa
Bungantulog
Sinusundan ang ating ulo
Bungantulog
Kumakatok sa ating ulo
Hanapin mo ang
Bungantulog
Ikaw lang ang makakatulong