CORRECT LYRICS

Lyrics : Hiyas

(Na na na na) (Rhodes Rhodes Rhodes yeah)
(Na na na na) (Roll mo na yan kuya)

Huwag mong kakalimutan yung mga payong binilin ko
At palagi mong iwasan na mapag-isa
Nakakat'wa kung paano ka mainggit sa iba
Kahit saakin, hindi mo na kailangan pang magpaganda
Alam mo na yun diba?
Ngunit parang pinipilit mo na itanggi ang aking mga salita
Takot kang magtiwala pwes hindi ako yung tipo na parang mas ginagalingan lang kapag umpisa
Pwede bang iti-kom mo muna bibig mo
Sakin ka sumugal, hindi ka mabibigo
Daming pinagpipilian pero sayo lang buminggo
Kaya sosobrahan na ang bigay parang rebisco
Ikaw ang tumupad sa mga hiniling ko
Tanggap mo ko't lahat kahit hindi maligo
Lagi kitang kasama saang aspeto man, o irog
Napaka swerte ko narin na mahalin mo

Alam mo yun lahat, kahit pa miski sa'king pagtulog
Ikaw padin ang laman ng aking isip
Alam mo yun lahat, na ultimo yung tawa mo ay himig
Para sakin, hanggang ngayon nakakainis
Sayo lang ito tapat
Hindi na ko magmamalinis kasi totoong "ikaw lang ay sapat na" diba?
Bagkus pagbigyan mo 'kong araw araw kitang mahalin at nangangako; sa buhay ko ikaw ang bida

Titiyakin muna lahat hanggang sa ika'y aking makampante
Pangarap ko sa'ting dalawa, higante parang elepante
Siguradong balanse
Ang pagmamahal na alay sayo at kung paano ako maging galante
Bagama't di ako perpekto sayo ibibigay
Isang daang porsyento pati aking BPI
Alam kong merong proseso kaya nga maghihintay
Sating tamang tamang panahon
Bawat paahon, hanggang paghimlay
Intindihin mo ako, wag yung sasabihin nila
Pagdating kasi satin lahat ay parang nagiging tama
Ngunit hindi hinala
Ang nadama kong to walang hirap kunti lahat ay puro lang ginhawa
Pagpaumanhin mo na, kung minsan sensitibo
Di ko hangad masuklian, nais ko lang ngiti mo at
Patunay na mahal, hindi ka mawawala
Wag sanang mawala, huwag kang mawawala

Alam mo yun lahat, kahit pa miski sa'king pagtulog
Ikaw padin ang laman ng aking isip
Alam mo yun lahat, na ultimo yung tawa mo ay himig
Para sakin, hanggang ngayon nakakainis
Sayo lang ito tapat
Hindi na ko magmamalinis kasi totoong "ikaw lang ay sapat na" diba?
Bagkus pagbigyan mo 'kong araw araw kitang mahalin at nangangako; sa buhay ko ikaw ang bida

(Tum tum turumtum turumtum) (tum tum turumtum turum-ohh)
(Tum tum turumtum turumtum) (Turumtumturum turumtumturum)
(Tum tum turumtum turum-ah) (Kuya medyo pakihinaan yung volume bago matapos ung kanta, yan yann)
(Rhodes)