CORRECT LYRICS

Lyrics : Borbolen

Kapag nagsasama
Nagkakandaloko na kahit di natin sinasadya
Parang default na setting sa paborito mong camera
Laging dun tayo napupunta

Ewan ko nga kung bakit tayo laging nagkakaganito
Siguro nga sadyang borbolen tayo

Kahit anong pilit na aking ayusin
Nagugulo pa rin tuwing kayo ay dumadating
Panay kalokohan kahit sa seryosong usapan
Nakaka-inis, ngunit pag wala ay nakaka-miss

Ewan ko nga kung ano ang meron sa barkadang ito
Siguro nga sadyang borbolen tayo

Tulad nung lamay ng inyong kapitbahay
Naki-charge ka ng phone, ang ilaw sa altar ay biglang namatay
Ok lang sana, kung walang nagmimisa
Muntik na akong mamatay kakapigil ng tawa
Paano kaya ko nasama sa mga kolokoy na 'to?
Siguro nga sadyang borbolen tayo

Basta't ito ang palagi ninyong tatandaan
Kahit ano ang mangyari sa atin walang iwanan
At walang tatalo kainlan pa man sa ating samahan
At aking paninindigang borbolen tayo

Borbolen ka ba?
Ngayon at kailanman
(Borbolen tayo)
Borbolen tayo