CORRECT LYRICS

Lyrics : Bayaning Tunay (A Foreigner’s Song for Overseas Filipino Workers)

Paggising sa umaga may ngiti sa labi nya
Nana***angin muna sa ating Diyos Ama
Haharapin ang araw ng buong sigla
Upang maghapon nya ay gumanda

Iwawaksi sa isip ang mga alaala
Ng kanyang pamilyang wala sa piling nya
Haharapin ang gawain ng buong tatag
Upang kinabukasan nila ay kanyang mapaghandaan

Tunay na bayani ang tulad mo
Kakayanin ang hirap gaano man kabigat ito
Saan mang sulok ng mundo kayrami na ng bayani
Ngunit iba ang tulad mo

Pagsapit ng gabi may luha na sa kanyang mata
Pangungulila ang laman ng hapis na puso nya
Yayakapin ang larawan ng mga minamahal
Sa panaginip na lamang ay makasama sila

Tunay na bayani ang tulad mo
Kakayanin ang hirap gaano man kabigat ito
Saan mang sulok ng mundo kayrami na ng bayani
Ngunit iba ang tulad mo

Tunay na bayani ang tulad mo
Kahit pa sariling buhay ay iaalay mo
Saan mang sulok ng mundo ihahayag ko ang pangalan mo
Bayaning tunay ang tulad mo

Bayaning tunay bayaning Pilipino
Bayaning tunay ang tulad mo