CORRECT LYRICS

Lyrics : Bukas Wala Nang Ulan

Tingnan mo ang mga tala
Nakatago lang sa mga ulap
Pero kita mo ang kislap
Kahit malakas pa ang ulan

Aabot hanggang sa malunod
Para bang 'di ka makaahon
Naghahanap ka ng kakapitan
Sa walang katapusang ulan

Pero ang 'di mo alam
Hindi ka nag-iisa
Nakaagapay sa'yo
Tiwala lang
Masisilayan mo din ang bahaghari
Dahil bukas ay wala nang ulan

Kaylamig na ng hangin
Binalot ka pa ng dilim
Kahit saan ka tumingin
Luha'y dumarating nananalangin