CORRECT LYRICS

Lyrics : Sa Pag-Ikot Ng Araw

Ang bukang liwayway
Ng ating pagsasama
Sana’y 'di nagwakas
Ang pagnakaw sa sandali
Ang siyang sumira
Sa kasigl’an ng umaga

Oh, hindi mo ba nararamdaman?
Ang pighati nang ika'y lumisan
Oh, mahal ko
Sana'y 'di naglaho
Sa dapit-hapon
O pagsara ng pinto

Nararamdaman mo ba ang paghaplos ng alon?
Ang kaluskos ng mga dahon
Sa dagundong ng puso'y umayon

Oh, hindi mo ba nararamdaman?
Ang pighati nang ika'y lumisan
Oh, mahal ko
Sana'y 'di naglaho
Sa dapit-hapon
O pagsara ng pinto
Pabago-bagong yugto
Kabisa pa'ng bawat kilos
Bawat segundong umagos
Tiyak bawat hakbang
Bawat tingin ay nakatuon sa 'yo

Sa pag-ikot ng araw
At sa dapit-hapon
Sana'y hindi maglaho