CORRECT LYRICS

Lyrics : San Ba Ako Nagkulang

Ano nga bang dahilan bakit ba iniwan mo
Siguro nga'y nagkulang at nagkatampuhan tayo
Pero hindi 'yun dahilan para ipagpalit mo
Kalimutan ang sumpaan natin na nalimot mo
Nasasabik pa rin akong muli kang mahagkan
At maulit 'yun katulad nung sa'ting nakaraan
At babalik pa ba ang dati ng nasimulan
Maulit pa kaya saan nga ba ako nagkulang?

Sa'n ba ako nagkamali
Dahilan nang paglisan
Iniwanan ng tanong
'Di alam ang dahilan
Para mo 'ko iwanan
Sabihin mo? (Sabihin mo)
Para lang na malaman
Dahilan lang ba o talagang 'di mo na ako kailangan?
Sa'n ba ako nagkamali
Dahilan nang paglisan
Iniwanan ng tanong
'Di alam ang dahilan
Para mo 'ko iwanan
Sabihin mo? (Sabihin mo)
Para lang na malaman
Dahilan lang ba o talagang 'di mo na ako kailangan?

Kailan man ay hindi ko
Pinangarap na sa'yo isumbat lahat ng mga ginawa ko para sa iyo
Ngunit para sa pagkakataong na ito
Lahat-lahat ay dapat ng ipaalala na sa iyo
Sa kadahilanang ako'y wala na mang na aalalang ginawa na kalokohan
Para maging dahilan nang iyong paglisan
At paglimot sa sinumpaang pagsasama na walang hangganan
Sa'n ba ako nagkamali?
Ano pa ba ang pagkukulang?
'Di kaya kalabisan na ang hinayaan na pag-ibig mo'y iba na ang matutunan
Marami ka nang ibang katanungan bago ka sa akin lumisan
Hindi mo man lang nabigyang kasagutan
Kaya hanggang sa ngayon ako ay gulong-gulo o lito sa'n ba ako nagkamali sa tingin mo?
Iniwanan mo ako
Na walang anumang dahilan
Malalaman ko nalang na tapos na ang lahat-lahat
Hindi naman nagkulang sa'yo aking mahal
Bagkus naging tapat hindi pa ba sapat ang pag-ibig na inalay ko sa'yo
Saan nga ba nagkulang?
Saan ba nagkamali?
Para lisanin nalang ako ng gano'n kadali (ah)
Ano bang dahilan at nagawa mong talikuran kalimutan ang lahat ng mga sa'tin nagdaan
Nagawa mo man sa akin nais ko pa rin sabihing na ikaw pa rin ang hanap 'yan ang laging tandaan

Sa'n ba ako nagkamali
Dahilan nang paglisan
Iniwanan ng tanong
'Di alam ang dahilan
Para mo 'ko iwanan
Sabihin mo? (Sabihin mo)
Para lang na malaman
Dahilan lang ba o talagang 'di mo na ako kailangan?
Sa'n ba ako nagkamali
Dahilan nang paglisan
Iniwanan ng tanong
'Di alam ang dahilan
Para mo 'ko iwanan
Sabihin mo? (Sabihin mo)
Para lang na malaman
Dahilan lang ba o talagang 'di mo na ako kailangan?
'Di ba dati
Sabi mo sa akin
Na ano man ang mangyari ay hindi ka bibigay
'Di ba dati
Sabi mo pa sa akin
'Pag wala ako sa iyong tabi hindi ka mapalagay
'Di ba dati bakit puro dati?
'Di mo ba kayang ulitin ang lahat ng mga 'yun?
Mas pinili mong lumisan sa iba na ituon na ang dati na para sa'kin na kanino na ngayon?
'Di mo ba makaya na 'di mo 'ko kayang 'di ako palitan
Alagaan panghawakan ang mga sinumpaan na
Binibigkas mo lagi na wala ng iwanan
Ngunit bakit ba ngayon nawalan ng katuturan
Ang lahat ng alalang kalakip ng ating kahapon
Ang lahat ng mga 'yon handa mo na ba talagang itapon
Ibaon nalang sa limot at hindi na balikan
Tanawin nalang sa langit masayang nakaraan

Sa'n ba ako nagkamali
Dahilan nang paglisan
Iniwanan ng tanong
'Di alam ang dahilan
Para mo 'ko iwanan
Sabihin mo? (Sabihin mo)
Para lang na malaman
Dahilan lang ba o talagang 'di mo na ako kailangan?
Sa'n ba ako nagkamali
Dahilan nang paglisan
Iniwanan ng tanong
'Di alam ang dahilan
Para mo 'ko iwanan
Sabihin mo? (Sabihin mo)
Para lang na malaman
Dahilan lang ba o talagang 'di mo na ako kailangan?