CORRECT LYRICS

Lyrics : Rose

Pa'no ba makuha ang ngiti mo
Ni hindi ko nga makuha na ikaw ay malapitan
Gustuhin ko man na ikaw ay mapasa-akin
Ngunit pa'no ba na ikaw ay mahawakan

'Cause you are like a rose (Rose)
You are like a rose (Rose)
You are like a rose (Rose)
Gustuhin ko man na mapasa'kin
Ngunit pa'no ka mahawakan

Pwede bang bigyan mo ako ng tyansa'ng katulad ko
Gusto ko lang naman lumapit nang malaman mo
Ikaw ang gusto kong babae na kakaiba
Sa'yong isang tingin, ako'y kanina pa
Na parang tinutunaw na kandila na ubos
Ako'y masyadong makulit na parang kulang sa kutos
Kung ipipilit kong pilitin, makita na abutin
At aaminin kong malabong ako'y gusto mo na rin
Parang malabong paningin 'yun lang ang gustong alamin
Baka sakaling magkalinaw ang suot na salamin
Bawat oras sa'yo'y hirap ako makakulit
Parang rosas ako'y takot sa'yo na matinik
Tanging gusto ko lang maging akin ka lang
At sabihin gusto mo rin, pwede na 'kong mahibang
Ang makapiling sarap isipin na tayong dalawa
Ikaw lang at ako ang magkasiping

Pa'no ba makuha ang ngiti mo
Ni hindi ko nga makuha na ikaw ay malapitan
Gustuhin ko man na ikaw ay mapasa-akin
Ngunit pa'no ba na ikaw ay mahawakan

'Cause you are like a rose (Rose)
You are like a rose (Rose)
You are like a rose (Rose)
Gustuhin ko man na mapasa'kin
Ngunit pa'no ka mahawakan
First thing, I wanna know is about ya'
Second thing, I wanna know you better
Third thing, baby, I wanna hug you
Oh, I want baby, I wanna love ya'
Gusto kita kaso bahala na
Mahawakan lang kita hindi magsasawa
Na mahalin ka, baby, gusto kitang kasama
Kaso malabo mangyari kaya pa'no na (No, no)
Ayoko na itong mangyari, ayokong magbakasakali
Eh, paano kung gan'to nangyari
Nawala ka tapos 'di ka napasa'kin

Nababaliw ako feeling ko hindi ko alam
Kung bakit ako naguguluhan sa'yo
Iba ang tangi mong ganda kahit ikumpara
Walang panama dahil sa kislap pa lang nang mata mo
Bakit ganito, halos 'di na 'ko makatulog
Bente kwatro oras na palaging nakatutok
Naglilibang habang nagbibilang na lamang ako
Ng alikabok sa sulok, iniisip kung pa'no ka mahuhulog
Kada gabi kitang binabantayan
Mula sa paggising lagi ikaw ang laman
Tapos mapapaisip hanggang sa panaginip
Ay pilit pala kitang sinubaybayan, kasalanan mo 'yan
Pa'no ba makuha ang ngiti mo
Ni hindi ko nga makuha na ikaw ay malapitan
Gustuhin ko man na ikaw ay mapasa-akin
Ngunit pa'no ba na ikaw ay mahawakan

'Cause you are like a rose (Rose)
You are like a rose (Rose)
You are like a rose (Rose)
Gustuhin ko man na mapasa'kin
Ngunit pa'no ka mahawakan

Baby, gusto ko lamang mahawakan ka
Kaso lang 'di ko alam
Kung pa'no ko magagawang lapitan ka
Nalilito, nalilito ako (Oh-oh, oh-oh, oh-oh)
Iba na ang feelings ko sa'yo, nako (Oh-oh, oh-oh, oh-oh)
Parang gusto ko na lang isang gabi bigla kang dumating
'Pag nakapikit ikaw ay iniisip ko pa rin
At tuluyang matuluyan sa damdamin ko kasi
Ikaw ang tinitibok ng puso ko kaya halika
Pwede ka bang maging ilaw sa'king mundo para malinaw
Ang daan dahil nga nangingibabaw
Ang iyong kagandahan kaya nga nakakasilaw

Pa'no ba makuha ang ngiti mo
Ni hindi ko nga makuha na ikaw ay malapitan
Gustuhin ko man na ikaw ay mapasa-akin
Ngunit pa'no ba na ikaw ay mahawakan

'Cause you are like a rose (Rose)
You are like a rose (Rose)
You are like a rose (Rose)
Gustuhin ko man na mapasa'kin
Ngunit pa'no ka mahawakan

Pa'no ba makuha ang ngiti mo
Ni hindi ko nga makuha na ikaw ay malapitan
Gustuhin ko man na ikaw ay mapasa-akin
Ngunit pa'no ba na ikaw ay mahawakan

'Cause you are like a rose (Rose)
You are like a rose (Rose)
You are like a rose (Rose)
Gustuhin ko man na mapasa'kin
Ngunit pa'no ka mahawakan