CORRECT LYRICS

Lyrics : Nakakabaliw

Laging tanong, bakit gano'n
Nakakabaliw itong ating relasyon
Minsan masaya, minsan ay may luha
Minsan hindi naiiwasang magduda
Laging tanong, bakit gano'n
Nakakabaliw itong ating relasyon
Kahit ano man ang mangyari
Wala na akong mamahaling iba kun'di ikaw lamang

Wala ng ibang babae (babae) dito sa buhay ko dahil ikaw
Lamang ang nais ng katulad mo ang
Gusto kong makasama makatabi't kayakap makausap mo ng magdamag
Hanggang sa mag-umaga pangako yan (pangako 'yan) ikaw lamang ang tangi kong
Hahalikan (hahalikan) kahit na puro lait
At puro pagdududa may ngiti sa'king labi
Na nanggaling sa pagluha kaya ikaw lang
Kahit nakakabuang nakakabaliw man sa'kin ay ok lang
Kahit anong mangyari sa'kin ay wala na
Akong mamahaling iba kun'di ikaw lamang

Laging tanong, bakit gano'n
Nakakabaliw itong ating relasyon
Minsan masaya, minsan ay may luha
Minsan hindi naiiwasang magduda
Laging tanong, bakit gano'n
Nakakabaliw itong ating relasyon
Kahit ano man ang mangyari
Wala na akong mamahaling iba kun'di ikaw lamang

Nakakabaliw ang isipin ka 'di magkasundo
Parang aso't pusa lagi kang inis sa lagi kang galit na
Parang laging araw-araw kang may dalaw
Ano bang nagawa ko sa'yo at parang lagi ako
Sa'yong may atraso kaso kun'di lang talaga kita mahal
Iniwan na kita 'di na tayo nagtagal pero kayang tiisin
Kahit 'di maintindihan 'di ko na pag-isipan na
Ikaw ay palitan at hindi ko nagawa na ikaw ay pag-isipan
Ang maghanap pa ng iba ay 'di ko pinahintulutan
Dahil nga mahal kita kahit medyo may topak ka
'Di ko magagawa na sirain ang pangako ko, oh-oh mahal

Laging tanong, bakit gano'n
Nakakabaliw itong ating relasyon
Minsan masaya, minsan ay may luha
Minsan hindi naiiwasang magduda
Laging tanong, bakit gano'n
Nakakabaliw itong ating relasyon
Kahit ano man ang mangyari
Wala na akong mamahaling iba kun'di ikaw lamang
Madalas na sakin ay sabihin wala daw sa'ting mangyayari
'Yun ay sa kabila ng mahaba nating byahe
'Di halos makabasag pinggan ang iyong imahe
Ngunit sa isang iglap nagmimistulang tigre
Hindi ko rin naiintindihan isa lang ang alam ko ito'y
Papanindigan ka'y dalas pagtawanan kapag tinatalakan
Pasalamat ka hindi ko kayang ikaw ay saktan
Nakakasira ka ng ulo, oo nakakabaliw
Pagtatalo natin ang naging libangan mo't aliw
Kailangan ka pang suyuin kahit ikaw ang mali
Nagkakasundo man tayo sobra na 'yung sandali
Minsan gusto kong isipin na wala ng paraan
Kapag gusto mong magalit wala kang pakialam
Ayos lang handa naman akong pagtiisan lahat 'yan ay
Napapawi ng isang ngiti mo lang

Laging tanong, bakit gano'n
Nakakabaliw itong ating relasyon
Minsan masaya, minsan ay may luha
Minsan hindi naiiwasang magduda
Laging tanong, bakit gano'n
Nakakabaliw itong ating relasyon
Kahit ano man ang mangyari
Wala na akong mamahaling iba kun'di ikaw lamang