CORRECT LYRICS

Lyrics : Hanggang sa Huli (Alternate Version)

Pa'no na ba 'to, dito na lang ba tayo
Maghihintay, kung aabot pa sa dulo
Pa'no na ba 'to, dito na lang ba tayo
Maghihintay, kung aabot pa sa dulo

Ako ba ang dahilan kaya bigla kang lumayo?
'Di ko alam ba't bigla na lang ganito
Tulungan mo akong maipaliwanag sa'kin
Ang pag-ibig na pinilit kong mabuo
Parang bituin nawala na sa dilim
'Singtayog ng Polaris pinipilit abutin
Mata mo ba'y bulag sa iba nakatingin
Ayoko nang isiping iba na ang kapiling
Sarili ay hinain pero sa iba sumiping
Ba't gano'n? Oh, ba't gano'n?
Sinayang mo lahat ng pagkakataon
Oh, ba't gano'n? Oh, ba't gano'n?
Maibabalik ko rin sa dati ang sarili, 'pag nagkataon
Isang taon, 'pag nagkataon

At nandito tayong dalawa
Nagtuturuan kung sino ba
Ang siyang mali at may gawa
Walang nakikinig puro salita
At ika'y nagpasyang lilisan 'pagkat 'di na tama
At ako'y 'di pa handa at 'di makapaniwala
Walang-wala na ba? 'Di na ba nainda?
Kung ngayo'y ayaw mo na
(Pwede bang)

Hanggang sa huli
Mga problema'y 'santabi, ipagpaliban ang gabi
Sulitin bawat sandali, kahit 'di na 'to madali
Hanggang sa huli
Mga problema'y 'santabi, ipagpaliban ang gabi
Kahit alam kong aalis at 'di ka na babalik (Sa'kin)

Hawak ang kamay, pinipilit na 'di maghiwalay
Ngunit 'di ko pinupwersa 'pagkat
Alam kong 'di ka na rin pa sasabay
Sa pag-agos ng luha, nati'y nagbalik lang
Ang alaalang paraisong nagmistulang delubyo

Parang kailan lang na lahat ay kaya nating lagpasan
Ngunit kailangan bang dito na ang katapusan
Sa mundong ating ginawa, 'di na mabalikan
Paulit-ulit mang suyuin, 'di mo na maramdaman
(Kung talagang ako'y iiwan)
Paano na tayo nito?
(Bakit nung una, 'di pa lumisan?)
Dahan-dahan na gumuho
(Kung talagang ako'y iiwan)
Siguro'y 'di na rin mabubuo

Hanggang sa huli (Sa huli)
Mga problema'y 'santabi ('Santabi)
Ipagpaliban ang gabi
Sulitin bawat sandali, kahit 'di na 'to madali
Hanggang sa huli
(Hanggang sa huli, pinipilit sa sarili)
Mga problema'y 'santabi
(Problema'y santabi, ikaw lang ang siyang katabi)
Ipagpaliban ang gabi (Gabi)
Kahit alam kong aalis at 'di ka na babalik (Sa'kin)
Sulitin bawat sandali, kahit 'di na 'to madali
Kahit alam kong aalis at 'di ka na babalik

Pa'no na ba 'to, dito na lang ba tayo
Maghihintay, kung aabot pa sa dulo
Pa'no na ba 'to, dito na lang ba tayo
Maghihintay, kung aabot pa sa dulo
Pa'no na ba 'to, dito na lang ba tayo
Maghihintay, kung aabot pa sa dulo
Pa'no na ba 'to, dito na lang ba tayo
Guguho