CORRIGER LES PAROLES

Paroles : Siya

Oo na, hindi na 'ko
Mangungulit ng ulit-ulit
Oo na, hindi na 'ko
Magtatanong tungkol sa kanya

Kita naman na naiinis ka na
Alam ko naman, tinitingnan ko lang
Kung ano'ng sasabihin mo
Para pagtakpan na naman

Mahal mo pa ba 'ko?
Sabihin mo na...
Para 'di na tayo nahihirapan
Masaktan na kung masasaktan

Oo na, halata naman
Kung paano mo siya tingnan
Gano'n mo rin ako tingnan noon
Hindi na nga lang gano'n ngayon

Oo na, alam ko na
Ayoko lang sanang
Tanggapin na siya pa rin pala

Mahal mo pa ba 'ko?
Sabihin mo na...
Para 'di na tayo nahihirapan
Masaktan na kung masasaktan

Mahal mo pa ba 'ko?
O takot ka lang mang-iwan?
Pero ang mas mahalagang tanong
Ay "Mahal mo pa ba siya?"
Pansamantalang ligaya
Sa piling niya tapos babalik ka
Namiss mo ba ang halik niya?
Nagsawa sa nakasanayan
Kaya pilit binabalikan
Ang dapat kinalimutan
Paano mo nat**iis na makita akong ganito?

Mahal mo pa ba 'ko?
Sabihin mo na....
Para ako na lang ang lalayo
Nakakahiya naman sa inyo

Mahal mo pa ba 'ko?
O takot ka lang mang-iwan?
Pero kahit siya pa rin ang mahal mo
Mamahalin pa rin kita sa malayo

Oh-whoa-oh, oh-oh-oh-oh
Sa malayo, oh-whoa-oh-oh
Oo na