CORRIGER LES PAROLES

Paroles : 86

Iniisip mo pa rin ba
Ang pagod at sakit, puno pa ng pangamba?
Naghihintay na rin ng makakapitan
Ngayo'y wag maduhagi ako ay nariyan

Aking irog

Di ka na mababalikan
Ng araw na ika'y pinahihirapan
Ang kagandahan mo'y di pa rin kumupas
Sa bawat oras pang pilit na lumipas

Ngunit bakit-

Tila puso mo'y sawi na patuloy pang inaapi
Bawat salita nila'y hinuhugos nang makasakit
Dininig ng langit ang iyong panalangin
Pilit kong binabanggit sayo na-

Di na maglalaho pa ang mga kislap sa'yong mata
Ako'y nagagalak na makita kang ligtas mula sa kadiliman
Ang iyong ngiti ay parang bituin na nagniningning sa kalangitan
Maaari nga bang makasama rin kita sa aking mga pangarap?