CORRIGER LES PAROLES

Paroles : Aking Munting Bituin

Ikaw ang aking ligaya
Anghel sa oras ng sakuna
Ikaw ang sugo ng Maykapal
Sagot sa aking mga dasal

Ikaw ang tanging umakay
Pinawi ang poot at lumbay
Ikaw ang awit sa aking puso
Taglay ang pag-asang naglaho

Pagmasdan mo ang buhay aking mahal
Tumitingkad, sumisigla sa'yong ilaw
Ang sinag ng iyong pag-ibig
Pinukaw ang pusong nahihimbing
Pinawi ang dilim, talang nagniningning
Aking munting bituin

Mundo ko'y payapa sa iyong piling
Aking bituin

Ohhh...

Ikaw ang tanging umakay
Pinawi ang poot at lumbay
Ikaw ang awit sa aking puso
Pag-asang minsa'y naglaho
Aking bituin