CORRIGER LES PAROLES

Paroles : UNLI

Bars (Wala, wala)
Multi (Wala, wala)
Wordplay (Wala, wala)
Metaphor (Wala, wala)
Autotune (Wala, wala)
ExB (Baduy, baduy)
Jejemon (Aruy, aruy)
Flip-D on the beat

Ngayon pa lang magpapaumanhin na 'ko
Kasi baka ulo niyo masira ko
Maninipa ako ng mga nagsabing mahina ako
Makinig kayo bihira 'to
Madalas na marinig, sa kanta napakilig
Kasi malikot ang diwa ko
Iba 'yung pinapakita ko, para 'di nila makita na may tira ako
'Di nakita niyo, madulas ang dila ko, kaya pagka-pumitik klaro
Kung usapang linya naman ay mabisa
Kaya gusto nila makabisado (Bleeeh)
'Di man ako magaling kumanta
Pero hindi 'to pipiyok kasi nagtisa ako
'Pag ako sumargo kalat, sigurado
Kahit lapis lamang ang gawing tako
Buti na nga lang nakangiti pa 'ko
Kahit andami na nilang mga ngiting aso
Inaasinta ako, kaso 'di sila asintado, kaya 'di ako apektado
Iba mag-isip kasi laking kanto
Papatol lang ako kapag kikita ako
Kaya minsan lang ako maging gago
'Pag 'yung kabaliwan ko binisita 'ko
Kung usapang multi mabuti nalang naparito ka halika papakita ko
Dami ko kasing itinabing bago
Kung susumahin siguro animnapung sako
Tsaka balita ko galing sa bibig niyo madali kamo
Oh, sige gawin nga 'to
'Pag hindi niyo nagawa ay para niyo naring inaming
'Di niyo kaya na itumba ako

Bars!
Nasa top ng mga flip
Hindi marunong magdamit, inuuna 'yung salawal sa brief
Lahat galing-galingan at baliw-baliwan
Para mapansin ulit 'pag 'di na sila click
Mga barbero na hindi marunong maggupit
Dinadaan na sa kulit para masabing malupit
Pare-pareho na 'yung trip para sa'n 'yung mga barang masakit
Bibilib lang ako 'pag nailapat niyo sa beat
Madaming magagalit d'yan
Pero bago makalapit matik 'yan, punit-punit
Kaya nagagalit 'yan, walang avid fan
At wala ring fans sa piso net
Kitang-kita na naman 'yung difference
Sa kanila 'pag kami gumawa hindi pilit
Ta's kung sino pa 'yung mga silhouette
Nagpapanggap na matigas pero galawang impotent
Pero 'yung mga legit nakakasama ko sa pic
Kasi nakakasama ko sila sa gig
At 'yung mga nainggit hindi sila makadikit
Kasi hindi nila maamin na nabibilib
Kaso halata na kid, mga galaw na weak
Hinding-hindi kayo masasagip
Samakatuwid may pag-asa lang sila makatawid
'Pag 'yung pangalan ay kung saan-saan ikakabit
Ganito dumikdik siksik mabigat sa dibdib
Alam kong hindi nyo 'to in-expect
Inakala niyong gawa ng Intsek
Kaya wala kayong ideyang ganito kalintik
Kahit na sa mga liblib kumakalat ang pangalan namin na binitbit
Habang 'yung mga gumigitgit ay nakakalat
Kaya minsan parang ang sarap nila iligpit
Puro parinig 'kala niyo 'di ko naririnig
Madalas kasi hindi na lang ako umiimik
Matagal na panahon ko ng gustong mangalabit
Kaso iniisip ko may bata na nakikinig
'Pag ako nagpaulan ng bara ay hindi pilit unlimited
Kahit 'yung bawat t**ik ay hindi tinitipid nagdidikit-dikit
Ngayon mag-iisip ka kung bakit gan'to ako mag-isip hindi nagigipit
At kahit na nakapikit, nakadilat o tirik man ang mata wala kana masisilip
Na i-correct isipin mo nalang kung pa'no ko sinet tahi-tahi
'Yung salita parang napunit na damit
Ito na 'yung katotohanang masakit na, nung kami umentra
'Yung mga bida ay naging extra
Nagmukha silang napag-iwanan na ng petsa
Ito 'yung ebidensya ang laki ng diperensya