CORRIGER LES PAROLES

Paroles : Rosario

Maraming salamat
Dahil na nand'yan kada tawag
Hindi pinahamak
Kahit ni isang beses 'di ko ramdam na may lamat

Buti na lang, laging nand'yan ka
'Pag sa problema ko'y 'di iniwanan
At 'di mo naisip ako ay hayaan
Buti na lang, buti na lang
'Pag sa problema ko'y 'di iniwanan
At 'di mo naisip ako ay hayaan, ooh

Kasama ka sa buhay, sa tuwing ako ay
May dinadala ikaw nagdadala sa'kin ng pampakulay
Sa'kin buti na lang ay 'di ka naumay
Tunay pala na kapag ligaw ako ay may makakapitan pa
Ako na tunay at 'yun naman ay ikaw ang nagpatunay
Pagka-nasa'yo masaya ako, sa mga mali ko may taga-salo
Kasi alam mo na 'di totoong sa lahat ng oras matigas ako
Baka kung hindi kita nakakausap, baka 'di na nakausad
Ikaw ang nagmulat sa'kin na ang tulad mo’y walang katulad
Ikaw ang liwanag sa'kin sa dilim ng mundo
Sa'yo ay hindi ko nakitang may tuldok
At dama ko sa'yong walang hanggan pwede kang hagkan
Sa lahat ng oras ay nandiyan

Buti na lang, laging nand'yan ka
'Pag sa problema ko'y 'di iniwanan
At 'di mo naisip ako ay hayaan
Buti na lang, buti na lang
'Pag sa problema ko'y 'di iniwanan
At 'di mo naisip ako ay hayaan, ooh

Palagi na kitang kapiling, ano pa ba ang hahanapin ko
Sa daming pagkakamali, hindi mo pinagsarhan ng pinto
Hindi ako nagkamali na hindi ka pinagpapalit
'Pag nalilito ako ikaw ang siyang nagtutuwid
Puso ko'y hindi mo na kailangan pang utusan
Pupunta sa'yo ng kusa, wala naman akong ibang mapupuntahan
Ikaw lang ang aking takbuhan, basta ba nand'yan ka
Hinding-hindi sasagi sa isip kong iwan ka, woah-ohh
Buti na lang, laging nand'yan ka
'Pag sa problema ko'y 'di iniwanan
At 'di mo naisip ako ay hayaan
Buti na lang, buti na lang
'Pag sa problema ko'y di iniwanan
At 'di mo naisip ako ay hayaan

Buti na lang, laging nand'yan ka
'Pag sa problema ko'y 'di iniwanan
At 'di mo naisip ako ay hayaan
Buti na lang, buti na lang
'Pag sa problema ko'y 'di iniwanan
At 'di mo naisip ako ay hayaan