CORRECTAR LA LETRA

Letra : Pupurihin Ka

Sa 'king kahinaan, at sa kabigatan
Ika'y Amang nakikinig, sa 'king bawat dalangin
'Pag ang pananalig, ay nasusubukan
Ikaw ang tagapagligtas, at ang nagmamahal sa'kin

Pupurihin Ka
Pupurihin Ka, Panginoon
Pupurihin Ka
Sa lahat ng pagkakataon

Ang 'Yong kabutihan, ang siyang pumupuno
O, Diyos ng pag-ibig, aking ipagsasabi
Iyong kadakilaan, ay ihahayag
Sa 'Yong kapangyarihan, puso'y namamangha

Pupurihin Ka
Pupurihin Ka, Panginoon
Pupurihin Ka
Sa lahat ng pagkakataon
Pupurihin Ka
Pupurihin Ka, Panginoon
Pupurihin Ka
Sa lahat ng pagkakataon