CORRECTAR LA LETRA
Letra : Pag-ibig Lang
Hindi na alam ang gagawin
Kakapit na ba ako sa patalim
Kailan ba matatapos ang dilim
Minsa'y parang nakakapagod na
Hanggang kailan ko dadalhin
O kay bigat nitong aking pasanin
Mayro'n bang nakikinig sa aking panalangin
Mayro'n ba sa 'ki'y nagmamahal
Pero 'di ibig sabihin na ako'y susuko
Pag-ibig ang aking sandata
Ako'y mangangarap
Magtitiwala
Hanggang ang lahat
Ay makakita
Na mayro'ng liwanag
At mayro'ng pag-asa
Pag-ibig lamang
Aking kakapitan
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang
Lahat ay aking kakayanin
Hirap man o sakit, kayang tiisin
Pasasaan ba't matatapos din ang dilim
Gagaan din ang pakiramdam
Kakapit na ba ako sa patalim
Kailan ba matatapos ang dilim
Minsa'y parang nakakapagod na
Hanggang kailan ko dadalhin
O kay bigat nitong aking pasanin
Mayro'n bang nakikinig sa aking panalangin
Mayro'n ba sa 'ki'y nagmamahal
Pero 'di ibig sabihin na ako'y susuko
Pag-ibig ang aking sandata
Ako'y mangangarap
Magtitiwala
Hanggang ang lahat
Ay makakita
Na mayro'ng liwanag
At mayro'ng pag-asa
Pag-ibig lamang
Aking kakapitan
Pag-ibig lang
Pag-ibig lang
Lahat ay aking kakayanin
Hirap man o sakit, kayang tiisin
Pasasaan ba't matatapos din ang dilim
Gagaan din ang pakiramdam