CORRECTAR LA LETRA

Letra : Pastulan

Intro:
Para 'to sa salinlahi na nagkakaubusan
Kaninong braso ang kailangan para lang mabunuan

Anong sumusunod sa kalawakan? Marahil baka 'yun ang kawalan
Kayong tumutugong pasalamatan, sa dami ng mayro'ng karapatan
Gay'on kung totoong matatawaran, palagiang tanong kabayaran
Baka lang nataong bumubulong na malasaha'y tinapay na may itinatagong palaman (malamang)

Verse 1:
Umupo ka ng diretso saking kwento makinig
Ang pagmamahal niya eto, nirereto ang kilig
Sa dami ng panulak ng bolero ay lingid
Mabulunan sa imbentong puto seco sa bibig

Dadanak ang luhang "kailangan ng pondo"
Handa ba kayo magambag at abono?
Pagkakatakutan hangganan na 'to ay
Hadlang yan sa utak na dapat ay todo

Habang gumaganda ang buhay umaasa ka na tunay ang lahat ng retokado
Sa pamagat ng langit ay wala ng titulado
Kung naniniwala lamang para makasigurado

Doo'y kautusan na likas ang pagkatuso
Buong katuruang taliwas sa pagkatuto
Lopon at koponan ng mga templong nagkakurso
Nauto nang magustuhan ang disenyong nauuso