CORRECTAR LA LETRA

Letra : Amakabogera

Amakabogera
Amakabogera
Amakabogera

Lalakad na ala beauty queen
Awra ko will make you scream
Ganda kong nagniningning
Lalo kang mapapatingin
'Di ko na kailangan na magpaganda
Dating ko pa lang, panalo na
'Di ko need ng filters sa camera
Naturang ganda'y ibandera

'Di ko kailangang sumabay pa sa uso
Ako'y magiging "ako" na aking ginusto

Amakabogera, ganda ko'y irarampa
'Di magpapatinag sa sasabihin ng iba
Amakabogera, umaapaw ang karisma
Ang tunay kong ganda, sa lahat naiiba

Sa tuwing ako'y napaparaan
Rinig na rinig ang bulungan
Na ako'y 'di kagandahan
Ngunit ako'y 'lang pakialam
'Di ko na kailangan na magpaganda
Dating ko pa lang, panalo na
'Di ko need ang payo ng iba
Para ibandera 'king ganda

'Di ko kailangang sumabay pa sa uso
Ako'y magiging "ako" na aking ginusto

Amakabogera, ganda ko'y irarampa
'Di magpapatinag sa sasabihin ng iba
Amakabogera, umaapaw ang karisma
Ang tunay kong ganda, sa lahat naiiba
Amakabogera
Amakabogera

Pagod na akong abutin ang standards na sinasabi nila
Ano man ang iyong gawin, talagang may masasabi sila
Isuot ang 'yong korona at kumaway na parang reyna
Ako'y magiging "ako" na aking ginusto

Amakabogera, ganda ko'y irarampa
'Di magpapatinag sa sasabihin ng iba
Amakabogera, umaapaw ang karisma
Ang tunay kong ganda, sa lahat naiiba
Amakabogera