CORRECTAR LA LETRA

Letra : Pakinabang

Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka, kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
'Katapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Honcho!
Gano'n talaga ang ugali ng iba
Minsan ay mabait, kapag kailangan ka
Pero kapag nagkulang kaya halos tabunan ka
Ng masasakit niyang mga salita (Yah, yah, yah)
Marami na 'kong nakilala sa'ki'y nakinabang
Kapag walang-wala ka na, 'di ka nila kailangan
Anong pag-uusapan, wala namang baryangan
'Di ka dapat magtiwala, 'yun lang ang kailangan
Napalingat ka, nako ingat ka, dapat nakadilat ka
Kasi dapat 'di ka niya, 'pag nahimas ka, lahat malilimas niya
Lahat ng kilos mo, nakikita niya, kahit pa umiwas ka
Sa una pakitang-gilas, pero sa huli 'pag ubos na, lilikas na (Hey!)
'Di ka na, 'di ka na kailangan no'n (Kailangan no'n)
'Di ba nga, sabi niya, "Anong pakinabang no'n?" (Pakinabang no'n?)
'Di mo na halata, napakautak no'n
Gusto nila lagi na bagyo, ayaw nila sa ambon
Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka, kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
'Katapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Sabi nila, wala kang pakinabang, 'di ka na kailangan
Kailangan daw 'yung bago, bagong magagatasan
'Yung hindi na pumapalag, laging opo ang sagot
At higit sa lahat ng 'yon, 'yung bobong 'di magtatanong
Mahabang panahon ang ginugol ko
Para marating ang katayuan ko
Pawis, luha, oras at patak ng dugo ang puhunan ko
Pumusta nang walang katiyakan, sa larong no'n 'di ko alam
Hanggang sa guminhawa at ang bulsa ko ay magkalaman
Bigla nang nakilala, tumabi na ang kumilala
Kahit na 'di ko kakilala, lahat gusto na makasama
Kahit na 'di ko kapamilya, lahat sa'kin ay umaasa
Laging nakasahod, unahan pa sa pila, lahat gustong tumamasa
Ganyan sila pero bigay lang, kasi meron pa
Ba't ngayon biglang nag-lay low, porke't bangkosero na
'Yung mga dati na linta, noon saan na napunta
'Yan sila 'pag walang mahita, sa'yo ay tapon ka (Pwe!)
Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka, kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
'Katapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Bakit paggising ko ay wala na sila?
'Yung mga kasama ko nung marangya
Ang buhay, mga kasama magsaya na nangako
Kung maghirap ay hindi mawawala
'Yan ang mga galawan ng gustong sumabay sa agos
Mabait sa harapan mo, pero saksak sa likod pagtapos
Tapos, 'pag 'di mo matulungang makaraos
Bigla na silang mawawala, parang nag-snap si Thanos
Nand'yan sila 'pag meron ka, 'pag wala naglalaho
Na parang bula, nasa'n na ba napunta 'yung akala na
Kasangga mo sa hirap at ginhawa, ayy, yah, yah
'Yun nandiyan nung puno pa ang bulsa at pitaka
Mga para nang invisible nung kita'y 'di na visible
'Yung tropa mo na mawala ay para bang impossible
Noon, pero ngayon nasaan sila
Kung umasta ay para bang 'di ka na kilala
Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka, kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
'Katapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Saan ka pa lulugar, sa mundo na puro boss
Handa kang bumargain sunod-sunuran
Kahit inaapi nang lubos (—bos)
Sa mga gusto nila na mangyari, iba ang 'yong kutob
Hindi ka pupwedeng umangal
Kahit pa ba na labag sa'yong loob
Kasi kahit ikaw pa ay mapaos o kahit ikaw pa ay mamalat
Kailangan mo lang na sumunod, wala kang karapatang sumabat
Lalo na't hangga't ika'y mabigat, nakita nila na ikaw ay nakaangat
Hindi ka nila basta bibitawan, parang sa leeg mo na nakakagat
Parang vampi-yeah, lahat ng dugo sipsip
Walang humpay, hanggang matuyo, parang sampay
Tapos ipapaligpit, goodbye, kapag sumuway
Palalabasing masama sa tao, ayy, wala kang utang na loob
Para bang sumbat ng iyong inay, wala ka nga'y
At sa kanilang tanikala, pumalag ka man 'di na kinaya
Pagkatapos ka nilang pakinabangan puro pahamig
Walang itinaya, ganyan kagaling maghugas-kamay
Parang mga taong sumampalataya
Palalabasing ika'y masama, para sasabihing hindi ka dinaya

Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala
Babatiin ka, kahit hindi mo kakilala
Lahat ng kakilala ay makakaalala
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na
Wala kang pakinabang (Pakinabang)
Sa mata ng nakinabang (Nakinabang)
'Katapos makinabang (Makinabang)
Wala ka nang pakinabang (Pakinabang)

Yeah, ah, 'kala mo'y okay na, kasi nakatulong ka
Binigay na'ng lahat ng gusto at ultimo luho niya
Kaso pa'no 'pag gumuho ka (Pa'no)
'Yung wala ka nang madukot sa bulsa
Tablado ka na, may kaso ka pa, sa'n ka pupunta
Talagang ekis, kahit sa'n mo pa t**igan
Ikaw pa 'yung huhubaran, pagkatapos mong bihisan
Mga dugyot ang pagkatao, walang kalinisan
Pagkatapos magsipaglamon, plato biglang iiwan
Mga hugas-kamay lang, pero hindi 'yung pinagkainan
Bawat tanong ang daming rason, ayaw mapagsabihan
Kaya malamang yari ka, lalo na 'pag nagka-badtripan
Talagang ikaw ang puntirya, 'di ka na para pahagingan

Kaya mag-ingat ka, lalo na 'pag madali kang makisama
Kasi maiisahan ka nila, 'di ba?
Kaya ngayon, sinasabihan na kita
'Pag pumili ka ng kaibigan, 'wag tulad nila
'Pag may kailangan sa'yo ay tyak na bubulagin ka
'Pag nakuha na, iiwan ka nila, 'yan ang sabi ng iba

Sabi ng iba, kapag ikaw ay nakilala (Hey!)
Babatiin ka, kahit hindi mo kakilala (Hindi mo kakilala)
Lahat ng kakilala ay makakaalala (Hey!)
'Pag 'di ka na kilala, lahat sila wala na (Yeah-yeah)
Wala kang pakinabang (Wala kang pakinabang, hey)
Sa mata ng nakinabang (Sa mata ng nakinabang)
'Katapos makinabang (Ooh-woah, ooh-woah)
Wala ka nang pakinabang (Ooh-woah)