CORRECTAR LA LETRA

Letra : Wahim

Puro salita
Kulang sa gawa
Hindi mahalata
Na totoong walang himala
Hinahayaan na pasukin ang isipan
Ng mga bagay na walang katuturan
Walang mangyayari kung palaging baka sakali na lang

Nakapikit nang mahimbing
Tila 'di na magising
Nalulunod sa ligaya dumodobleng paningin
Hanggang 'di mo mapansin
Ang mundong iyong ginagalawan ay nilalamon ng dilim
Palaging sa huli mo na lahat
Malalaman
Kailangan pang masaktan bago matutunan
Ang mga bagay-bagay na dapat ay dati pa
Pero 'di mo ginawa
Mas pinili mong itago ang mga katotohanan
Dulot ay isang bagyo na para bang walang hangganan
Sabihin mo kung nasa'n
Ang kinabukasan
Kung wala sa piling mo ang pinagmumulan ng ligaya
Baka 'di makaya
Ang mga pagdurusa
Humihiling na sana pagkagising ay wala na
Saan paroroon pagdating ng panahon
Kung mula noon hanggang ngayon