CORRECTAR LA LETRA

Letra : Yakapin

Ooh, ooh, oohh

Kapag walang-wala ka nang pwedeng magawa
Lalo 'pag mabigat na ang 'yong dinadala
Agad akong hanapin, ooh, para ikaw ay yakapin (Yakapin)
'Pag walang umintindi sa'kin mo lang ilabas
Hindi ako hihindi puro oo madalas
Agad akong hanapin, para ikaw ay yakapin

Tawagin mo ako, huwag mahiya
Palagi okay lang, hindi ka mapapahiya
Ako ang sasalo ng pwede mong ikasama
Tandaan mo gusto ko 'to kaya ko ginagawa

Kung nabibigatan ka, huwag mo sanang
Kakalimutang 'di ka nag-iisa
Kapag pakiramdam mo na pasan-pasan
Mo ang mundo 'di mo kailangan na mailang
Na tawagin ako kahit g'ano kagulo
Laging nandito ako na handang sumalo
Gusto ko 'to kahit hindi mo pa sabihin
Tatangapin ka kahit pa ulit-ulitin
Kahit ano ang mangyari 'di ka pababayaan
Ilang daang daanan man ang daanan
Tandaan mo lang na palagi kang may ako na matatakbuhan
Kapag walang-wala ka nang pwedeng magawa
Lalo 'pag mabigat na ang 'yong dinadala
Agad akong hanapin, ooh, para ikaw ay yakapin (Yakapin)
'Pag walang umintindi sa'kin mo lang ilabas
Hindi ako hihindi puro oo madalas
Agad akong hanapin, para ikaw ay yakapin

Tawagin mo ako, huwag mahiya
Palagi okay lang, hindi ka mapapahiya
Ako ang sasalo ng pwede mong ikasama
Tandaan mo gusto ko 'to kaya ko ginagawa

'Di ka mahirapan na hulihin
Madali mo lang ako na palapitin, ooh
Nand'yan agad ako basta sabihin
Mo lang 'pag kailangan mo ko pagkagising
Dahil 'di ka iiwanan mamatay man, 'di pababayaan
Lagi sasamahan at wala 'kong kapalit na hihingin
Ako'y laging tapat sa'yo 'di maglilihim
'Wag kang mahiya na sambitin pangalan ko
At 'pag nalilito, nandito lang ako, hindi mabibigo
Sa buhay kasi may mahirap talagang madadaanan
Sa'ting lalakaran ano man 'yan ay lagi tandaan

Hallelujah
Hallelujah
Hallelujah
Hallelujah